“GALING siya sa room mo ano, Troy?’’ Tanong ni Kreamy habang nakatingin kay Troy. Malayo pa sa kanila si Mayette kaya hindi pa nitoi nalalaman ang kanilang pinag-uusapan.
“Oo, galing siya sa room ko at nag-attempt na naman na tuksuhin ako. Pero hindi niya ako kayang isama sa hukay ng kasalanan.’’
“Salamat Troy. Akala ko, natangay ka na.’’
“Hindi Kreamy. Ipina-ngako ko sa iyo di ba?”
“Kahit paulit-ulit kang tuksuhin, huwag kang patatangay, Troy.’’
“Maaasahan mo Kreamy.
Tumigil sila sa pag-uusap nang makalapit si Mayette.
“O anong balita sa papa mo?” tanong nito na wala man lang bahid ng pag-aalala.
“Ligtas na si Papa.’’
Ganun lang ang sinabi ni Kreamy.
“Nasaan siya?” Tanong ni Mayette.
“Nasa ER pa. Mamaya raw ililipat. Bawal pang kausapin.’’
“Paano ang room?”
“Iaadvise ng doctor kung kukuha na ng room.’’
Hindi na nagsalita si Mayettte. Naupo sa di-kalayuan. Hindi siya tumi-tingin kay Troy na katabi ni Kreamy.
Maya-maya tumayo si Mayette at lumapit kay Kreamy.
“Ito ang bag. Mga damit ng Papa mo ‘yan. Lalabas lang ako…nabubwisit na talaga ako.’’
Kinuha ni Kreamy ang bag at pinatong sa bakanteng silya.
Lumabas na si Ma-yette. Sinundan ng Tingin ni Troy. Si Kreamy ay na katungo na tila nananala-ngin. Maya-maya ay may sinabi si Kreamy.
“Malaki na ang utang ko sa iyo, Troy. Kung hindi nadala dito si Papa, baka kung ano na ang nangyari sa kanya.”
“Okey lang yun Kreamy.’’
“Nang marinig ko ang pagsigaw mo, nalaman ko nang may masamang nangyari sa Papa mo.
“Kasi’y naalarma ako sa klase ng paghihilik ni Papa kanina. Nang sumugod ako sa kuwarto nila, si Papa lang ang nakita ko roon. Wala si Mama. Naisip ko tuloy kung anong klaseng asawa si Mama na iniiwanan ang asawang naghihingalo. Maisusumpa mo tuloy…” (Itutuloy)