Talagang hindi na nga siguro siya makakawala kay Mayette. At saka parang nakakadama siya ng awa sa babaing ito. Nasaktan dahil sa ginawa ni Digol at ito ay nada-dagdagan dahil sa pagtanggi niya.
‘‘Mas lalaking-lalaki kaysa sa pinsan mo, Troy. Sa tikas pa lang niyang ipinagdadamot mo, halatang mas marami kang idudulot na ligaya. Pero nahuhulaan ko na ang isasagot mo, hindi mo type ang matrona. Mas gusto mo ay bata at sariwa. Mas gusto mo ang kasing-edad mo, di ba, Troy?’’
“Kanya-kanya namang tipo, di ba Mayette. Kung si Digol ay gusto ang may edad kaysa kanya, ako e iba. Gusto ko, kasing edad ko…’’
“Ang sakit mo namang magsalita. Bakit hindi mo ako subukan, Troy?”
Eto na naman sila. Talagang doon bumabagsak ang usapan. Naiirita na rin siya. Ayaw siyang tigilan ng babaing ito.
“Ang kulit mo naman, Mayette…’’
Napamaang si Mayette. Nakatingin lang sa kanya. Para bang hindi inaasa- han na makakapagsalita siya ng ganoon. Nasaktan ang kalooban ni Mayette.
Umatras. Bumaling sa pintuan at saka nagmamadaling lumabas. Kinabig ang pinto at sumara.
Si Troy naman ang natigilan. Nag-isip. Bakit ba siya nakapagsalita nang ganoon? Bakit nairita agad siya.
Kawawa naman si Mayette. Nasaktan na nga ni Digol ay dinagdagan pa niya ang nadaramang kirot. Hindi niya masisisi si Mayette dahil malaki nga pagkagusto sa kanya. Mas lalo pang lumaki ang pagkagusto sa kanya mula nang maipakita ang katibayan na hindi siya bakla. Nadama pa nga ang katibayan.
Kawawa naman si Mayette. Masakit ang naramdaman dahil sa ginawa ni Digol.
Ano kaya ay pagbigyan niya ito? Kapag napagbigyan niya, umalis na lang siyang bigla sa bahay na ito.
(Itutuloy)