NANG makaalis si Ma-yette, sinabi ni Digol kay Troy ang balak. Pero alam na ni Troy dahil nakikinig pala ito habang naghuhugas ng pinggan.
“Hindi ba delikado yan, Digol. Baka mabuking ng asawa ni Mayette na dito siya pumupunta.’’
“Gusto na raw niya e. Akala ko nga sabi niya e delikado, pero siya pala itong hindi makatagal. Grabe kasing hilig ni Mayette. Kung minsan naiisip ko nympho ang babaing iyon. Laging gusto ay magtalik kami. Naikumpara ko tuloy si Katrina sa kanya. Kay Katrina ang pakikipag-sex ay para maipakita at maipadama ang pagmamahal pero itong si Mayette, ay pawang katakawan lang. Hayok na hayok!”
Nagtawa si Troy.
“Ikaw na ang sumusuko.”
“Oo. Kung hindi nga lang malaki ang nahuhuthot ko sa kanya e ayaw ko na. Kaso, mahirap kumalas sa babaing iyon. Baka pulutin tayo sa kalye dahil walang matirahan. Mahirap kung basta-basta kakalas kay Mayette.’’
“Kapag nagkaroon ako ng trabaho, maaari ka nang kumalas kay Mayette. Tapos, maghanap ka na rin ng ibang trabaho.’’
Napabuntunghininga si Digol.
“Wala kasi akong tiya- ga kapag kakapiranggot ang suweldo. Nasanay ako na nakatatanggap nang malaki, Pinsan.’’
Hindi na nagsalita si Troy. Siguro rin ay dahil nasira na ang plano mula nang mawala si Katrina. Naapektuhan si Digol sa pagkamatay ng mabait na matrona. Ayaw nang magsikap pa at gustong kumita sa pagkalakal ng laman.
BANDANG alas-sais ng gabi, dumating si Mayette. Alam na ni Troy ang plano. Nagbihis siya. Kailangan niyang umalis para maisakatuparan ng dalawa ang plano. Pakikisamahan na lang niya ang dalawa. Wala siyang magagawa.
Inabutan siya ng pera ni Digol.
“Manood ka muna ng sine Pinsan o kaya kumain ng hamburger. Saglit lang ito. Alam mo na ‘yun,’’ sabi ni Digol at kinindatan si Troy.
Tumango si Troy. Si Ma yette ay nakangiti lang.
Lumabas na si Troy. Narinig pa niya ang pagkandado ng pinto ni Digol. Sinigurong walang makakapasok habang may ginagawa sila ni Mayette. Sandali lang naman daw iyon sabi ni Digol.
(Itutuloy)