“PATAYIN mo ang ilaw, Tibur. Nakakahiya ang itsura natin.’’
“Gusto ko makita ang kabuuan mo, Alice.’’
“Tibur, pilyo ka. Sige na patayin mo ang ilaw sa lampshade.’’
Umalis si Tibur sa tabi ni Alice at dinukwang ang lamp-shade na nasa kabilang dulo nang malaking kama. Nilamon sila ng dilim. Nasa isang hotel sila at nagha-honeymoon. Regalo pa rin sa kanila ni Ate Rosa at asawang si George ang tinuluyan nilang hotel.
Yumakap si Tibur kay Alice. Nadama ni Tibur ang makinis na kutis ni Alice. Hindi bagay ang kutis-kala-baw ni Tibur.
“Ang sarap sana kung nakikita ko yang tinatago mo, Alice.’’
“Puro ka kalokohan, Tibur.’’
‘‘Ang sarap mong yakapin, Alice.’’
‘‘Ikaw pa lang ang nakahipo ng katawan ko Tibur.’’
“Parehas tayo, ikaw pa lang ang unang babae na aking naya-yakap at nahalikan ko, Alice. Ikaw ang kauna-unahan.’’
‘‘Baka masaktan ako, Tibur kapag inano mo ako.’’
“Siyempre dahan-dahan iyon, Alice.’’
‘‘Hindi mo ba talaga alam kung paano, Tibur?’’
“Oo. First time nga e.’’
Nagtawanan sila.
Maya-maya seryoso na. Naghanap na ang mga kamay ni Tibur. Naging malikot. Hanggang sa masumpu-ngan ang hinahanap. Nagtagal doon. Hindi mapakali si Alice.
Hanggang sa malaman kapwa ni Tibur at Alice ang lahat. Malalaman din pala iyon sa oras ng panganga-ilangan.
“Tibur dahan-dahan…’’’
Pero wala nang makapigil sa “galit’’ ni Tibur. Ipinalasap niya kay Alice ang walang katulad na pagmamahal.
Nagtagumpay si Tibur. Nagawa ang ma-ayos ang dapat kam- tin ng isang babae.
Nalaman naman ni Tibur na siya nga ang unang lalaki sa buhay ni Alice. (Itutuloy)