Thelma (63)

IYAK nang iyak si Trev. Niyayaya ang ina na magtungo sila sa ospital.

Gusto raw niyang makita si Papa Caloy niya.

Nang matiyak ni Thelma kung sa-ang ospital dinala si Mang Caloy ay nagtungo sila roong mag-ina. Pero hindi pa pala maaaring makita si Mang Ca­loy sapagkat ma­ rami pang ope­ras­yong ginagawa at sabi ng mga doctor nanga-nganib ang buhay ng matanda dahil malalim ang sugat sa tiyan. May tinamaan daw na organ. Baka ilipat pa ng ospital dahil kulang ang kagamitan sa pinagdalhang ospital.

“Saka na lang tayo magtungo rito, Anak. Kapag maaari na siyang dalawin,” sabi ni Thelma at niyakap ang anak. Kung hindi nai-ligtas ni Mang Caloy si Trev ay baka kung ano na ang nangyari sa anak. Nagpapasa­lamat siya kay Mang Caloy.

“Pupunta agad tayo rito kapag puwede na siyang dalawin. Sa-sabihin naman ng mga doctor kung kailan.”

Napayapa si Trev sa sinabi ng ina. Halatang mahal na mahal nito ang matanda.

Sa kauna-unahan namang pagkakataon ay umusal ng dala-ngin si Thelma para sa kaligtasan ni Mang Caloy. Ayaw niyang mawala ang taong nagligtas kay Trevor. Kailangang magkausap sila at magpapa-salamat siya.

Hihingi rin siya ng tawad dito. Marami rin siyang pagkakamali sa pakikitungo sa matanda. Kahit na humihingi na ng tawad ito sa kanya ay patuloy pa rin niyang pinag-susungitan. Kahit na nagpapakumbaba ay hindi pa rin niya ma­tanggap.

Kailangan palang iligtas ang kanyang anak na si Trev para siya makumbinsing tunay ang pagmamahal nito.

Parang sa isang iglap, ay natuto niyang mahalin ang matanda. At bukod doon ay hu­manga siya sa ginawa nitong pagharap sa amok. Bihira ang mga lalaking may tapang na humarap sa nag­huhuramentado.

Limang araw ang lumipas nang malaman ni Thelma na ligtas na sa kamatayan si Mang Caloy. Hindi na ito inilipat ng ospital. Pero hindi pa maaa-ring dalawin.

Makalipas pa ang ilang araw, saka lamang pinayagang   madalaw ang matanda.

Tuwang-tuwa si Trev nang malaman na dadalaw na sila kay Papa Caloy niya.

“Dalhan natin ng pagkain, Mama,” sabi ni Trev.

Tumango si Thelma.

Prutas ang dinala nila.

Nang pumasok sila sa kuwarto na ki­naroroonan ni Mang Caloy ay napatakbo si Trev. Sabik na sa­bik sa matanda.

Hindi naman ma­laman ni Thelma kung ano ang sasa­bihin.

(Itutuloy)

Show comments