Thelma(40)

PERO nag-isip din si Thelma kung itutuloy ang balak na painan ng panty si Mang Caloy. Paano kung napulot lang pala ni Mang Ca­loy ang panty niya at saka itinago sa drawer. Posible yun. Pero bakit naman hindi ibinigay sa kanya ang panty? Araw-araw naman ay nasa tindahan siya. O baka naman nalimutan lang na ibigay sa kanya. Marami ring iniisip si Mang Caloy ukol sa asawa na ngayon ay namatay na.

Inayos niyang ma­buti ang drawer. Sini-guro na isiniksik sa loob ang “kontrobersyal” na panty. Saka na lamang niya pag-iisipan kung papainan niya si Mang Caloy. At saka ilang araw din silang magkikita dahil patay nga ang asawa. Siguro kapag naka-rekober na sa pagdadalamhati si Mang Caloy saka niya isasagawa ang balak. Pero kung si Mang Ca-loy nga ang nagnakaw ng panty niya, hindi kaya may tendency rin itong gumawa ng kahalayan sa kanya. Baka ang pagka-obssessed nito sa panty niya ay lumubha at paghihipuan na siya. Baka sumpungin ng kalibugan habang silang dalawa lamang ang nasa tindahan o baka habang nasa CR siya ay bigla itong pumasok at kung ano ang gawin sa kanya. Baka gahasain siya. Kailangan siguro ay mag-ingat na siya sa matanda.

Madilim na nang uma­ lis sa tindahan si Thelma. Siniguro niyang nakakandado ang tindahan. Baka pasukin ng magnanakaw. Dala niya ang pinagbentahan sa araw na iyon. Ilang araw din na wala siyang pasok dahil utos daw ni Mang Caloy. Pagkali-bing na ng asawa nito bubuksan ang tindahan.

Ikinuwento ni Thelma sa kanyang Ate Marie ang pagkamatay ng asawa ni Mang Caloy.

“Namatay na pala. Natapos din ang pagsasakripisyo ni Caloy,” sabi ni Marie.

‘‘Matagal na rin bang maysakit ang asawa niya?’’

“Sa pagkaalam ko, mga tatlong taon na.”

‘‘May anak ba sila?’’

‘‘Meron daw. Siguro mga propesyunal na ang mga anak nila.’’

‘‘Wala akong napapansin na pumupunta sa tindahan. At saka walang nababanggit si Mang Caloy.’’

“Wala kasing imik si Mang Caloy.’’

“Pero may kahiligan…”

Napatingin nang makahulugan si Marie kay Thelma.

“Anong mahilig?”

Napilitan si Thelma na sabihin ang tungkol sa panty niya. (Itutuloy)

Show comments