NAPANSIN ni Delmo ang mga kakatwang nangyayari kay Thelma ng umagang iyon na bigla itong tumakbo sa kusina at nagduduwal pero wala namang inilalabas. Alalang-alala siya sa nangyayari sa asawa. Sa loob nang maraming taon na pagsasama nila ay ngayon lamang nakaranas ng ganito si Thelma.
Agad niyang inihanda ang traysikel at sinabi kay Thelma na dadalhin niya sa clinic sa bayan. Ayaw pang pumayag ni Thelma. Paano’y natatakot siya. Malakas ang kutob niya na buntis siya at hindi si Delmo ang ama. Pero pumayag na rin siya. Kung hindi siya papayag na magpa-check-up ay baka maghinala si Delmo.
Wala pang tao sa clinic kaya madaling na-check-up si Thelma. “Positive” ang resulta. Buntis si Thelma!
Kinabahan si Thelma pero hindi siya nagpahalata kay Delmo. Nang marinig naman ni Delmo ang sinabi ng doktora ay tuwang-tuwa ito. Nagbunga rin daw ang kanilang pagmamahalan. Sabi pa nito, malakas daw ang kutob niya na mabubuntis si Thelma. Hindi maipaliwanag ang kasiyahang nadama ni Delmo.
Paniwalang-paniwala si Delmo na ang pinagbubuntis ni Thelma ay sa kanya. Paano’y madalas din naman silang magtalik sa mga nakaraan kaya ang akala ni Delmo, nabuo ang pagtatalik. Walang kaalam-alam na nasalisihan siya ng matikas na si Trevor Buenviaje. Ang semilya ni Trevor ang maliksing nakalangoy at nabuo sa sinapupunan ni Thelma.
Habang unti-unting lu-malaki ang tiyan ni Thelma ay lalo namang naging ma sipag si Delmo. Ayaw nang tumigil sa pagbibiyahe ng traysikel. Bumabangon nang maaga at namamasada. Kailangan daw ka-sing makaipon nang pera para sa panganganak ni Thelma.
Hanggang sa mangyari ang aksidenteng iyon na naging dahilan nang pagkamatay ni Delmo. Iglap lang at nawala sa piling niya si Delmo. Namatay ito na hindi nalaman ang “lihim” nila ng manunulat na si Trevor.
Dumating ang oras ng panganganak ni Thelma. Makikita na niya ang bu-nga ng pagtatalik nila ni Trevor. (Itutuloy)