Takaw (89)

MASAYA si Trevor. Kung dito sila magkikita ni Mam Mina sa kuwarto niya, makadrama siya ng kase­guruhan. Ayaw niya sa coffee shop sa Trinoma o kahit saan pa. Hindi naman nakakahiya ang tirahan niya. Alaga niyang linisan ito. Makintab ang sahig. Walang alikabok. Malinis ang comfort room kahit na maliit. Higit sa lahat may malambot na kama. Ha-ha-ha!

Wala naman talaga sa plano ni Trevor na dito sila magkita, basta biglang naisip niya. Ngayon lang niya naisip na bakit nga ba dito niya naisip na magkita. Siguro nga ay para sila makapag-usap nang malaya. Sa coffee shop ay mayroon pang pag-aalala. Anong malay niya na baka naroon din sa lugar na iyon ang asawa ni Mam Mina. Basta, wala siyang tiwala.

Binalikan ni Trevor ang mga pinag-usapan nila ka­ nina ni Mam Mina. May anak pala itong nag-aaral ng Medicine. At patuloy na itinatago ang nangyayari sa kanilang mag-asawa. Natatakot malaman ang katotohanan na hindi na maganda ang pagsasama. Kaya nga ang payo niya ay ipagtapat na sa anak ang lahat. Wala naman siyang kasalanan sa nangyari. Ang kanyang asawang “matakaw” sa laman ang may kagagawan ng lahat.

Pero naisip din naman ni Trevor na ayaw ni Mam Mina na masaktan ang anak kaya kung maitatago ang problema ay itatago niya. Gusto pa ring paniwalain na buo ang kanilang pamilya.

Naunawaan ni Trevor si Mam Mina. At muli, nakadama siya ng awa rito.

Hindi tumawag si Mam Mina kinabukasan. Naunawaan ni Trevor. Naroon ang anak nito. Kinabukasan ay hindi rin.

Ikatlong araw, nag-ring ang phone. Si Mam Mina na.

“Trevor paano pagpunta diyan sa tirahan mo?”

Hindi makapagsalita si Trevor sa magandang sinabi ni Mam Mina.

(Itutuloy)

Show comments