HABANG sinususian ni Trevor Buenviaje ang pinto ay nag-iisip siya ng isusulat na kuwento para sa kanyang koleksiyon. Apat na kuwento na ang nagagawa niya at marami pa siyang dapat gawin. Gusto niya’y matindi-tindi naman ang isusunod na isusulat. Maghahalungkat uli siya sa Archives. Baka sakaling makatiyempo siya ng balita ukol sa magkalaguyo na pinugutan ng ulo. Kahit sa probinsiya nangyari ay pupuntahan niya para makuha niya ang totoong impormasyon.
Subalit may isang oras na siyang nasa harap ng kanyang laptop ay hindi pa siya nakakakuha ng balita sa Archives. Walang pangyayari na may kaugnayan sa magkalaguyo. Ang nakita niyang balita ay karaniwan na: “Misis uminom ng lason nang matuklasan na may babae si Mister” at “Mister naghuramentado dahil sumama si Misis sa ibang lalaki”. Karaniwan na. Nakakaumay na ang mga ganoong istorya. Gusto naman niya ay kakaiba at kabasa-basa. Gusto ni Trevor Buenviaje na ang ilalabas niyang koleksiyon ng mga “kuwentong mag-kakalaguyo” ay kahuhuma-lingan ng mambabasa.
Pahinga muna si Trevor. Mamaya ipagpapagpapuloy niya ang paghahanap ng kuwento.
Naalala niya ang susi na hiniram sa babaing nakatira sa ground floor. Isasauli niya. Dinampot niya ang susi at nagtungo sa baba.
Kumatok siya.
Bumukas ang pinto. Ang babae uli kanina ang nagbukas.
“Isasauli ko na itong susi. Salamat.”
“May duplicate ka ba nito?”
“Oo. Marami. Nasa kuwarto. Yung nadukot sa akin e isa lang.”
“Okey.”
Nang may tumawag sa babae mula sa loob. Lalaki. Malambing ang pagkakatawag sa babae.
“Sige, ha,” sabi ng babae at isinara ang pinto.
Umakyat si Trevor. Baka asawa ng babae ang nasa loob. Pero sabi kanina, nasa Saudi ang asawa niya.
Pumasok si Trevor sa kuwarto niya. May iniisip. Duda siya kung asawa nga ng babae ang lala-king nasa loob. Baka kalaguyo?
Nag-isip ng paraan si Trevor kung paano matutuklasan ang misteryo sa ground floor. Maaa-ring ito ang magiging sunod niyang kuwento at kasama sa koleksiyon ng “Takaw”.
(Itutuloy)