Takaw (27)

NASA harap na ng pinto ng inuupahan niyang bahay si Trevor Buen­viaje at akmang dudukutin na ang susi sa kanyang bulsa nang maalala na naiwan nga pala niya ang key chain sa bahay nina Thelma at Delmo. Sa pagmamadali ay hindi niya naalala o maaaring sa pagkatakot na rin kay Delmo dahil natikman niya ang asawa nito.

Bumaba si Trevor para magtungo sa may-ari ng bahay na inuupahan niya. Nasa silong lamang ang may-ari. Makikiusap siya na makahiram ng duplicate.

Kumatok siya sa pinto. Marahan lang. Baka natutulog pa ang may-ari ay ma­istorbo niya. May narinig siyang yabag papalapit sa pinto. Pinihit ang seradura. Bumukas.

Nagulat si Trevor sapagkat hindi ang may-ari ang nag­bukas. Babae. Hindi niya kilala. Mga 30-anyos siguro. Naka-shorts nang maikling-maikli (hanggang kuyukot na yata) at t-shirt.

“Good afternoon, si Mrs. Pineda andiyan?”

Nag-isip ang babae. Parang hindi agad nakuha ang tanong ni Trevor kung sino si Mrs. Pineda. Makaraan ang isang segundo saka lang nakasagot. Naalala yata.

“Ah si Aling Auring? Hindi na rito nakatira. Ako na ang nakatira rito.”

Gulat si Trevor. Pinaupahan din pala ni Mrs. Auring Pineda ang bahay niya. Akala niya nagbibiro lang ito noong magkausap sila.

“Ah, ganun ba? E wala bang iniwang susi para doon sa bahay sa itaas. Ako yung umuupa roon. Hihiram sana ako ng duplicate kasi nadukutan ako. Napasama ang susi…” pagsisinunga­ling niya.

“A oo. Sinabi sa akin. Sandali at kukunin ko,” sabi at umalis. Nasundan ni Trevor ng tingin. Ma­ikling-maikli ang shorts. Halos lumabas na ang pisngi ng puwet.

Nang bumalik dala na ang susi.

“Eto.”

“Salamat. Ikaw na pala ang bagong nakatira.”

“Oo. Hindi pa kasi na­aayos ang papers ng binibili naming bahay sa Cavite. Pagda­ting pa si­guro ng mister ko galing sa Saudi…”

Napatangu-tango si Trevor.

“Sige, aakyat na ako…” sabi niya.

(Itutuloy)

Show comments