Ganti (45)

MARAMING kustomer sa tindahan sa Binondo. Nakapasok si Lorena sa loob. Unang hinanap niya ay si Ara. Hindi niya ito makita. Nagkaroon siya ng kutob na baka inilipat sa Soler. Nang mawala si Lea, si   Ara ang dinala roon. Napansin niya na iilan na     lang ang tindera. Inilipat   sa Soler ang iba? Puwede.

Minabuti niyang ita­nong sa isang tindera.

“Nasaan si Ara?”

Halatang takot magsalita ang tindera pero nang mamukhaan siya ay tila lumakas ang loob.

“Ikaw po si Mam Lorena?”

“Oo. Sabi po ni Ara kung pupunta kayo rito doon na lang daw kayo magtungo sa Soler.”

“Alam mo na ang nang­yari sa Soler?”

“Opo. Alam ko po, wala na roon si Lea.”

“Si Pau anong nangyari?”

“Hindi po namin alam. Natatakot po ako Mam Lorena. Sige po, baka po makahalata ang amo na-ming babae. Kagabi pa po ‘yan mainit ang ulo. Marami na pong nasaktan sa amin.”

“Sige pupunta ako sa Soler ngayon din.”

“Huwag mo po kaming kakalimutan dito.”

“Oo.”

Nagmamadaling nagtungo si Lorena sa Soler.

Nakita agad niya ang tindahan. Mas malaki kaysa nasa Binondo. Marami na ring kustomer. Pumasok siya. Pero nagtaka siya nang hindi makita si Ara at Pau. Ang among lalaki ay nasa kaha at abala sa pagbibilang ng pera.

Ano kaya at subukan niyang umakyat sa second floor? Baka maitakas niya sina Pau at Ara ngayon kapag nakita niya.

Nasabi sa kanya ni Lea na sa second floor daw ay may dalawang kuwarto. Sa gawing kaliwa ang kuwarto ng mga tindera.

Nagpasya si Lorena. Mabilis na tinungo ang hagdan na nasa gilid ng tindahan.

Madilim ang hagdan. Pero kahit madilim iyon ay aakyatin pa rin niya. Malakas na ang loob niya. Kailangang mailigtas niya ang dalawa.

Nakarating siya sa se-cond floor. Nakita ang kuwarto sa kaliwa. Iyon ang kuwarto ng mga tindera.

Kumatok siya. Mahina lang. (Itutuloy)

Show comments