PATULOY si Jesusa sa pagkukuwento. Habang nagkukuwento, ay hindi siya tumitingin sa ibang mga tao na nasa aming paligid. At mahina ang pagsasalita niya na ako lamang ang nakaririnig.
“Kilala sa aming bayan si Doktor. Mahusay kasi. Sa unang tingin ay akala mo ay hindi makabasag ng pinggan si Doktor pero yun pala, demonyo ang nakakubabaw.
“Ang klinika ni Doktor ay nasa mismong bahay nila. Malaki ang bahay nila. Dalawang palapag. Nasa unang palapag ang klinika. Maraming nagpapagamot kaya ang salas ay halos mapuno ng pasyente.
“Sa tanghali ang aking klase. Sa umaga ay naglalaba ako at naglilinis ng bahay. Ako rin ang nagluluto sa tanghali kapag hindi nakapagluto si Mam. Marami rin kasing ginagawa si Mam. Dalawa ang anak nina Mam at Doktor pero sa Maynila nag-aaral. Minsan isang buwan ay nagtutungo sa Maynila ang mag-asawa para bisitahin ang dalawang anak.
“Pagkatapos kong maglaba at maglinis ng bahay ay maliligo na ako at maghahanda na sa pagpasok. Si Mam ay maghapon sa school sapagkat marami siyang tinuturuan. Bukod doon ay siya pa ang nag-aacting principal dahil sakitin na ang matandang principal.
“Laging sinasabi ni Mam na mabait ang kanyang asawang doctor. Huwag daw akong mahihiyang magsabi kay Doktor kung ano ang kailangan ko sa school. Madali raw itong kausapin at maunawain. Si Doktor daw ay mahigit nang 50-anyos. Si Mam ay mas matanda kaysa kay Doktor.
“Noong una ay hindi ko binibigyang pansin ang pagsulyap ni Doktor sa akin kapag ako ay naglalaba sa laundry. Kapag kasi napagod siya sa pagtingin sa mga pasyente ay papasyal sa likod ng bahay kung saan ay naroon ako at naglalaba. Nakaupo ako at pabukaka ang pagkakaupo sa paglalaba at naaabutan niya ako sa ganoong ayos. Hindi ko alam, sumisibol na pala ang demonyo sa kanyang katawan kapag nakikita niya akong nakabukaka.
“Minsan nga hindi ko alam na matagal na pala siyang nakatayo sa di-kalayuan sa akin at pinanonood ako. Nakadaster ako at maluwag na maluwag ang laylayan sapat para makita ang magagandang hita at panloob na kapiranggot. Hindi ko alam kung gaano na niya ako pinanonood. Nang malaman ko na lang na nakatayo pala siya ay nang madunggol ng paa niya ang aluminyong pinggan na kinakainan ng pusa. Lumikha ng ingay. Sabay talikod siya.
“Minsan naman, nakatapos na ako sa paglalaba at paglilinis ng bahay. Ipinasya kong maligo na. Yung banyo na pinaliliguan ko ay nasa likod ng bahay. Iyon ang ginagamit kapag nagkakaroon ng bisita sina Mam at Doktor.
“Tiwalang-tiwala akong naghubad. Nagbuhos. Nag-shampoo. Nagbanlaw ng buhok. Nagsabon ng katawan. Matagal akong maligo. Gusto ko ay malinis na malinis. At hindi ako sanay gumamit ng shower. Buhos lang nang buhos.
“Nakatapos na akong magbuhos nang may marinig akong kaluskos. Pero hindi ko pinansin dahil baka pusa lang yun. Maraming alagang pusa sina Mam. Ipinagpatuloy ko ang paliligo. Pero kinutuban ako dahil naririnig ko pa ang kaluskos. Lalo nang kumaluskos nang pinupunasan ko na ang private parts ko. Para bang may mga matang sumusunod sa bawat kilos ko…” (Itutuloy)