Ang kapitbahay kong si Jesusa (12)

MASUNURIN si Mira sa bawat sabihin ng photog na si Frankie. At mahusay na photog si Frankie sapagkat ang gaganda ng anggulong binabanatan. Walang tigil ang klik habang nagtatam-pisaw sa ilog si Mira. Lalong namakat ang katawan sa suot na damit o kamison yata habang nakababad sa malamig na tubig na iyon sa Villa Juanita.

“Okey, Mira, tamang-tama ang mga pose mo. Lumipat ka naman dito sa lilim at dito ka magsabon ng katawan. Eto yung sinasabi ng bossing namin na pina-kasensitibo. Kailangan daw ay maka-capture ng readers ang mga posing mo…”

“Paano po ba?”

“Magsasabon ka ng katawan mo. Tapos yung kanang kamay mo na me sabon ay ipapasok mo diyan sa may dibdib mo…”

“Dito po sa suso?”

Napangiti si Frankie sa sinabi ni Mira. Nag-iingat siyang magsalita ng bulgar e ito palang kausap niya e talagang Bulgarian pala kung kumana.

“Oo diyan nga sa suso. Pero kailangan e maging natural ang hagod mo ng sabon sa loob ng damit.”

“Ganito po ba…” Ipinasok ang kanang kamay na may sabon sa may suso at saka hinagod ng sabon.

Napalunok ako. Okey pala tong si Mira. Medyo nababawasan na ang pagka-boring ko sa pagsama rito sa Nagcarlan. Pero kung nasisiyahan na ako, mas lalo na si Frankie. Halos lumuwa ang mga mata ng damuho habang nakatingin kay Mira. Nalimutan yata na dapat ay kinunan niya ang ang anggulong yun dahil palagay ko ay perpekto. Nalibang ang damuhong si Frankie habang sinasabon ang “susong dalaga”.

“Okey! Okey! Ulit, Mira.” Sabi ni Frankie na tila natauhan na. Ipinorma ang kamera.

Umakto na si Mira sa pagsasabon. Maganda nga pala kapag basang-basa ang babae at maaaktuhang nagsasabon. Namamakat na ang “susong dalaga” kaya lalong naging kaakit-akit ang eksena.

Klik! Klik! Klik! Ang gandang pakinggan ng pitik ni Frankie. Talagang feel na feel ang pagkagigil niya sa tagpong iyon.

“Okey na okey, Mira.”

“Tapos na ba Mang Frankie?”

“Hindi pa, Mira. Huwag mo naman akong tawaging Mang Frankie at bata pa naman ako. Yung si Per ang tawagin mong Mang Perfecto…” saka nagtawa.

“Uy Frankie, naratnan na kita sa kompanya. Dapat ngang itawag sa’yo Lolo Frankie,” sabi ko.

Nagtawa lang si Frankie.

“Teka Per, akala ko sasabay ka sa session. Dapat gumuhit ka na.”

“Mamaya ako guguhit. Magugulat ka, Frankie Boy.”

“Sabagay alam ko naman na mahusay ka. Kahit sa imagination lang puwede kang gumawa. Kaya palagay ko, papatok ang ideya ni Bossing Diegs sa Men’s mag.”

“Ano bang sunod mong ipagawa kay exotic Mira?”

“Huwag kang masyasong maingay, Per at baka marinig. Etong susunod, ipatatanggal ko ang underwear niya. Madali namang sumunod e. Diyan lalong iinit ang mga subscribers natin.”

“Umpisahan na natin at baka giniginaw na si exotic.”

“Sige.”

Nilapitan ni Frankie si Mira. Sila lang dalawa ang nagkarinigan. Isa pa’y luma­lakas nang lumalakas ang ingay ng agos ng tubig. Ganoon siguro kapag palubog na ang araw dito sa resort. Kanina ay mahina lamang ang agos at halos walang ingay pero ngayon ay lu-malagaslas na.

Pinabalik ni Frankie si Mira sa dakong batuhan na hanggang hita ang tubig. May isang malaking bato sa gawing kanan na puwedeng kublihan. Doon pumuwesto si Mira.

Inihanda ko naman ang gamit ko sa pagguhit. Ipakikita ko kay Frankie na kaya kong gawin ang mga sinabi ko.

Kinunan si Mira sa may malapit sa bato. Klik! Klik! Klik.

Pagkatapos ay nakita kung lumublob si Mira sa tubig. Parang bata na nagtampisaw. Klik! Klik! Klik!

Pagkaraan niyon ay kumubli sa may bato. Pero kahit nakakubli, kita pa rin ang kalahating katawan. Nakita kong hinubad ni Mira ang panloob. Klik nang Klik si Frankie. Natural na natural ang akto ni Mira. Ang gandang iguhit ng tagpong iyon. Pagkaraang hubarin ay ipinatong sa bato ang itim na panty. Saka lumublob sa tubig.

Ang hindi ko inaasahan, huhubarin na rin pala pati ang kamison… (Itutuloy)

Show comments