“MASAKIT ang paghihiwalay. Ganun pala kasakit ang mamatayan ng asawa lalo pa’t masyado kayong closed sa isa’t isa. Alam mo nung nakaburol siya, akala ko panaginip lang ang lahat. Ang tagal bago humimpil sa utak ko, na patay na nga siya. Hindi ko matanggap-tanggap. Siguro kung nagkaanak kami baka hin-di gaanong masakit dahil me alaala siyang naiwan, kaso nga wala kaming anak…
“Pangako ko hindi na ako mag-aasawa kung hin-di rin lang ako makakakita ng tulad niya. Lumipas ang limang taon at ito ikaw ang nakita ko at kamukha mo pa si Trina ko. Hindi talaga ako makapaniwala nang maki- ta kita. Reincarnation ka ng asawa ko Tess…”
“Puwedeng makita ang picture niya, Stephen.”
“Sure,” sabi niya at dinukot ang wallet. Kinuha ang 2 X 2 ID pic. Iniabot sa akin.
Gusto kong mapasigaw sapagkat kamukhang-kamukha ko ang asawa niya. Parang kakambal ko siya. Pati haba ng buhok parehong pareho.
“Anong masasabi mi Tess?”
“Paano nangyari yun na para kaming kambal. Mahirap ipaliwanag ano, Stephen.”
“Oo. Pero nagpapasalamat ako at nakita kita. Siguro nga, sa katawan mo pumasok ang kaluluwa ng asawa ko.”
“Naniniwala ka, Stephen?”
“Oo. Kaya dapat na tayong magpakasal agad-agad.”
“Baka pwede na bukas,” sabi ko. “Atat na rin ako eh.”
Nakasal kami ni Stephen. Napakaligaya naming dalawa.
(Tatapusin na bukas)