Ako ay makasalanan (84)

HINDI ko na naalala ang babala ni Mr.Dy sa akin na seloso siya kaya wala akong dapat paglingku­ran kundi siya. Matindi ang nararamdaman ko kay Mon nang mga san­daling iyon kaya nakali­mutan ko na ang babala. At isa pa, wala naman siya rito sa Pilipinas. Baka ilang araw sa Hong Kong. Iyon siguro ang dahilan kaya wala akong kakaba-kaba habang nakikipag-ulayaw kay Mon.

Hayop si Mon dahil ang mga kakulangan ng Tsekwa ay pinunuan niya. Sa totoo lang, ta­lagang mahusay magpa­ligaya si Mon. May kung anong pangiliti yata ang tarantado at para ako’y hini­higop na hindi ko ma­intindihan. Si Mr. Dy kasi ay basta sasakay at pagna­katapos ay walang anu­mang bababa. Parang su­makay sa dyipni na pren­teng-prente at saka papara at bababa. Walang ka­turya-turya. Parang mas mainam pa si Prof na kahit matandang binata ay may kaunting likot. Si Mr. Dy ay ang sarili lang ang iniintindi, siguro’y dahil negosyante, pakabig lagi ang iniisip.

Si Mon, talagang sanay sa pakikipaglaban. At dahil sanay na magpaligaya, na­limutan ko na ang gina­wang pagtalikod sa akin. At saka naipaliwanag na naman. Siguro nga’y ta­lagang mahal ako dahil gusto pala niya akong i-rescue kay Mr. Dy. Muntik pang mapatay dahil sa akin.

Nang matapos ang pag-uulayaw namin ni Mon ay naisuhestiyon ko na bakit hindi pa niya ako kunin ngayon. Mas mabuti at nasa Hong Kong si Tsekwa.

“Yan talaga ang balak ko, Maritess kaya lang baka hindi agad tayo ma­kapunta sa Sablayan. Kung sa Marikina tayo titigil baka masundan tayo. Mag­hintay tayo ng ilang araw pa. Hindi pa naman da­rating si Tsekwa.”

“E bakit hindi pa nga­yon?”

“Wala pa tayong titira­han sa Sablayan. Sabi ng pinsan ko, maghahanap pa siya.”

“Sa ibang lugar.”

“Mas gusto ko sa Sab­layan dahil safe roon.”

Tumahimik na ako. Na­niniwala na ako.

Nang malapit nang magtanghali ay nagpa­alam si Mon.

“Aalis muna ako pero babalik ako mamaya.”

“Mamayang gabi?”

“Oo.”

“Baka biglang duma­ting si Mr. Dy e mahuli tayo.”

“Hindi pa yun dara­ting. Basta darating ako. Hintayin mo ako,” sabi at nagmamadaling umalis si Mon.

Kinabahan ako. De­likadong mahuli kami.

(Itutuloy)

Show comments