Ako ay Makasalanan (40)

ANO ba itong trip ng ga­gang si Cherry at sobra na. Masarap daw kung narito ang siyota niyang si Carlo at tatlo kami. Sobra nang pagkabangag ng gaga.

“Uy ‘wag mo nga akong isama sa kagagahan mo.”

“Andiyan ka na naman. Aayaw-ayaw pero gusto.”

“Iba na kasing trip mo.”

“Masarap daw yun.”

“Anong masarap?”

“Yung tatluhan nga.”

“Paano mo nalaman?”

“Napanood ko sa beta.”

“X-rated ba yun.”

“Oo. Grabe.”

“E di kayo na lang ‘wag mo akong isama.”

“Akala mo kung sino ‘tong malinis.”

“Ibang trip mo.”

“E di kung gusto mo, tayong tatlo nina Bobby…”

“Sira talagang ulo mo.”

“Ayaw mo siguro kay Carlo ko dahil ngetpa. Nget­pa nga iyon pero hayup naman sa romansa.”

“Kahit pa hayup siya.”

“O e di tayo nga nina Bob­by mo.”

“Tigilan mo nga ako.”

Nagtawa nang nagtawa si Cherry. Hindi mapigil ang pagtawa.

Habang nagtatawa siya, ako naman ay nag-iimadyin ng sinabi niyang “tatluhan”. Kami raw tatlo nina Bobby. Paano yun? Hindi pa ako nakakapanood ng x-rated. Bastos yun alam ko. Nung high school naririnig ko na ang tungkol sa panonood ng bold sa beta. Gusto kong makapanood pero natata­kot ako. Ngayon, ang “tatlu­hang” sinasabi ni Cherry ang nagpapakiliti sa akin. Ano kaya at masubukan. Gaga kasi ang Cherry na ito na lahat na yata ng uri ng kamunduhan ay alam.

Inimadyin ko ang gina­gawa kung tatluhan. Ahhh. Langhiyang Bobby at sa­nay pala sa ganoong “laro”. Hayup ka Bobby… (Itutuloy)

Show comments