Ako ay Makasalanan(39)

“BA’T nakasimangot ka?”

Tanong ni Cherry nang dumating ako. Kumu­ku­yakoy siya habang na­kaupo sa bangkito.

“Wala pa akong allowance. Hindi nagpadala.”

“No problem meron   pa naman ako. Pagha­tian natin.”

“Paanong pagkain?”

“Madali lang ‘yan.”

“Hindi ako sanay na lumabas na ang pera ay kakalug-kalog sa bulsa.”

“Pareho tayo. Pero ka­ilan daw darating.”

“Di ko alam. Tinamaan daw ng bagyo ang pro­bin­siya namin kaya walang maipadala.”

“Darating din yun, relaks ka lang.”

“Hindi ako papasok ha­bang hindi dumarating ang allowance ko.”

“Mabuburyong ka rito.”

“E ano?”

“Alam mong paraan para di maburyong?”

“Cherry ha alam kong nasa isip mo.”

Nagtawa si Cherry.

“Matalino ka na Mari­tess. Mula nang magka­sama tayo rito naging ma­talino ka na. Sa kibot pa lang ng bibig ko, alam mo nang ibig kong sabihin.”

“Gaga.”

“Meron pa akong isang stick dito. Sindihan natin.”

“Sabi ko na nga ba’t iyan ang sasabihin mo.”

Tumayo si Cherry. Ku­muha ng ilang tuyong ba­sahan sa kusina at dinala sa may pintuan. Pinasakan ang puwang sa ilalim ng pinto. Matapos iyon ay nagbalik sa kinaroroonan ko at sinindihan ang marijuana. Naamoy ko ang usok. Humitit si Cherry. Malalim. Ipinasa sa akin. Kinuha ko. Humitit ako. Malalim din. Ibinalik ko kay Cherry. Hu­mitit uli siya. Ako uli.

Maya-maya pa. Idi­nu­duyan na ako. Masarap ang pakiramdam ko.

“Sarap kung nandito si Carlo, Maritess. Tatlo tayo…” sabi ni Cherry. Kahit me tama na ako, naiimadyin ko ang gusto niyang mangyari.

“Type mo?” Tanong niya. Ang mga mata niya ay naniningkit na.

(Itutuloy)

Show comments