LASING na yata ako. Totoo ba ang nakikita ko? Si Cherry at Carlo, sa isang posisyon habang nakasandal sa pader! Wala silang pakialam. Kahit alam nilang maraming bisita sa salas at anumang sandali ay makikita sila. Masyadong malakas ang loob ng dalawa.
Itinuloy ko ang pagtungo sa comfort room na mga tatlong hakbang na lang ang layo. Nang makapasok ako sa loob ay agad kong ni-lock. Napasandal ako sa pader. Naalala ko ang tagpo ng dalawa. Walang takot at walang pakialam! Matagal ako sa pagkakasandal sa pader. Pati ang pag-ihi na talagang sadya ko sa CR ay nalimutan ko. Kumilos ako para buksan ang gripo. Sinahod ko ang aking kanang palad at sumahod ng tubig. Nang mapuno ang palad ay hinilamos ko sa mukha. Medyo guminhawa ang pakiramdam ko.
Saka ko naramdaman ang hapdi at bigat ng puson. Umihi ako. Pagkatapos ay ipinasya ko nang lumabas. Ayaw ko nang sulyapan ang dakong kinaroroonan nina Cherry at Carlo pero hindi ako makatiis. Sinulyapan ko. Pero wala na ang dalawa roon. Nasaan na? Baka iniwan na ako.
Nagtungo na ako sa salas. Si Bobby ay nasa dating puwesto na iniwan ko kanina. Gusto ko nang umuwi. Baka malasing ako nang todo. Nararamdaman ko, makapal na ang pisngi ko.
“Ang tagal mo, Maritess,” sabi ni Bobby.
Hindi ako sumagot. Ni hindi ako umupo.
“Si Cherry ba napansin mo kung nasaan?” tanong ko.
“Nandiyan lang yun. Halika na upo na. Marami pang inumin.”
“Ayoko na.”
“Ay ang korni nito.”
“Ayaw ko na nga, Bobby.”
“Last na ito. Sige na.”
Aywan ko kung bakit hindi na ako nakatanggi. Naupo ako. Inabot ang baso na may juice. Tinungga ko. Aywan ko, pero masarap yata ang huling lagok. Pakiramdam ko, umikot nang umikot ang paligid ko. At naramdaman ko nakasapo na ang palad ni Bobby sa “papaya” ko. (Itutuloy)