Black Pearl (75)

MULI kaming nagsalo ni Rina. Mas mainit ang nang-yari. Ganun yata kapag pa­ rehong uhaw at nagma­mahalan. Halos magliyab ang kuwarto sa tindi nang mainit na pagmamahalan. Para kaming bagong ka-sal. Akmang-akma kaming dalawa ni Rina. Match na match sa isa’t isa. Wala na akong masasabi pa sa la­bis na ligayang nadama sa pagsasalong iyon. Iniisip ko naman, paano kung mag-saudi na siya. Maiiwan ako. Baka hindi ko makayang wala siya. Ngayon pa na­ mang malalim na ang ug­na­yan naming dalawa.

Napakasarap ng aming tulog. May sikat na ang araw nang gumising kami. Napa­ kahaba ng aming tulog. Tu­matama sa mga mata ko ang liwanag ng araw.

“Anong gusto mong al­musal Frankie Boy.”

“Kahit ano, Rina.”

“Me itlog at corned beef ako diyan. Isasangag ko ang natira nating kanin.”

“Okey. Tapos me black coffee?”

“Oo.”

“Halika tulungan na ki­tang maghanda.”

Sabay kaming buma­ngon at nagbihis. Bumaba at nagtungo sa kusina, Niluto muna namin ang corned beef at itlog saka ang sina­ngag. Ako ang nagsangag. Eksperto ako sa fried rice.

Habang hinahalo ko ang sinangag, pinupuri ako ni Rina.

“Mabuti ka pa at maru­nong magsangag ng kanin, yung asawa ko, lahat asa   sa akin. Nung nasa Saudi kami, ako na lahat.”

“Ginawa ka palang katu­long.”

“Oo. Tapos niloko pala ako.”

Napatango na lang ako. Hinahalo ko pa ang sina­ ngag. Kinuha ko ang piniri­tong itlog na hiniwa-hiwa. Inihalo ko iyon sa sinangag. Ang bango.

Lumapit si Rina. Yuma­kap sa akin.

“Kapag nawala ka pa sa akin, Frankie Boy, ayaw ko nang mabuhay pa.”

“Hindi ako mawawala sa’yo.”

“Iniisip ko Frankie paa-no kapag nag-Saudi ako. Mag­kakahiwalay tayo.”

“Yan din ang iniisip ko. Mahihirapan ako kapag wala ka, Rina.”

“Siguro, babalik lang ako roon at mag-stay ng ilang buwan tapos exit na ako. Ba­ lik na agad ako rito para magkasama tayo.”

“Mag-isip tayo ng in na ne­ gosyo. Yung kabisado natin.”

“Gusto mo bumili tayo ng lupa sa Mindoro?”

Shock ako. Ba’t sa Min­ doro?”  

(Itutuloy)

Show comments