“NAGMAMADALI ka ba?” tanong ko sa katulong.
“Opo Kuya. Kasi ka- ilangan ni Ate Michelle itong gamot.”
“Para saan ba ang gamot na ‘yan?”
“Sa high blood po.”
“Sinong me high blood?”
“Si Ate po.”
Napamaang ako. Me hypertension na si Michelle. Dahil kaya sa problemang idinulot ko? Baka isa iyon. Baka sa sobrang stress na rin sa trabaho niya sa Australia para makapag-ipon ng perang pampaopera sa ama na wala rin namang nangyari dahil nga namatay din ito.
“Kasi’y ililibre sana ki-tang kumain diyan sa bagong restaurant. Magkuwentuhan tayo. Pero sige huwag na muna ngayon dahil baka hinihintay na ang gamot. Puwede kang makausap bukas, ganito ring oras?”
“Kuya baka mahalata ako ni Ate. Kasi kapag lumalabas ako, sandali lang talaga. Tulad ngayon, hinihintay na niya ako.”
“Kahit sandali lang bukas, me itatanong lang akong mahalaga. Sige na naman…”
“Kuya natatakot ako.”
“Pakiusap naman. Mahalaga lang…”
Nag-isip ang katulong. Hindi agad makapag pasya. Pero naawa yata sa akin.
“Sige Kuya, pero san-dali lang talaga,”
“Salamat. Ano nga ba ang name mo?”
“Rita po.”
“Sige Rita, ganito ring oras ha? Doon sa bagong restaurant na iyon tayo ha?”
“Opo.”
“Ako si Kuya Ross.”
“Alam ko na po Kuya kasi lagi kang ikinukuwen-to sa akin ni Ate… ay bakit ko ba nasabi…”
Lalo akong nabuhayan ng loob sa huling sinabi ni Rita.
“Sige Kuya at baka hinahanap na ako ni Ate.”
Umalis na si Rita. Hinabol ko siya ng tingin. Masayang-masaya ako.
Pag-uwi ko ng bahay ay eksaktong tumawag ang kapatid kong si Abby. Nangungumusta kung may development sa amin ni Michelle.
“Ano Kuya, nakita mo na ba ang telephone number ni Michelle?”
“Hindi pa Abby,” pagsi-sinungaling ko.
“O akala ko ba e gustong-gusto mo siyang makausap para makapagliwanag nang husto.”
“Hindi ko makita ang mga directory Abby.”
“Nasa bakanteng kuwarto, Kuya. Naroon lahat pati lumang directory.”
“Oo sige kukunin ko na. Hahanapin ko na.”
“Tawagan mo ako bu-kas kapag nakita mo ang number at ako na ang tatawag para makahingi ka ng sorry sa kanya.”
“Salamat Abby.”
Hindi ko muna ipaaalam kay Abby na hindi lamang phone ang nalaman ko kundi naging kaibigan ko na pati katu- long ni Michelle na si Rita. Bukas marami pa akong malalaman kay Rita.
(Itutuloy)