HINAYAAN ko lang si Rica kahit na nagpupuyos na ang sarili ko. Saan ka naman nakakita ng babae na nasa kapitbahay sa dis-oras ng gabi? Inaasahan kong nasa bahay si Rica at inaasikaso ang anak namin pero nasa kapitbahay nga at hindi ko alam ang ginagawa.
Ayaw ko nang gulo kaya hinayaan ko. Pag-uwi niya saka ko itatanong kung ano ang ginagawa niya sa kapitbahay. Pero pipilitin ko pa ring maging kalmado sa pagtatanong. Pipilitin kong magpasensiya.
Pasado alas-diyes na ng dumating si Rica. Nakatulog na ako sa paghihintay. Nagulat ako nang mayugyog ang kama dahil sa pagtabi niya sa akin.
Hinalik-halikan ako sa leeg. Dinama ang “ano” ko.
“Saan ka galing?” mababa ang tono ng boses ko.
“Sa kabilang pinto, niyaya ako ng bagong nangungupahan…”
“Niyaya saan?”
“Magtong-its. Ano raw para malibang.”
Sugal. Marunong palang magsugal si Rica.
“Mabait ‘yung lumipat diyan. Kinaibigan agad ako.”
Pinilit kong maging mahinahon kahit na naaasar ako. Patuloy siya sa pagsasalita. Nagdedepensa. Pinilit kong maging kalmado.
“Walang anak yung lumipat d’yan. Matagal na raw kasal. Kami lang tatlo ang naglaro.”
Tumangu-tango lang ako.
Gumala naman ang kamay ni Rica.
“Pagod ka Ross?”
“Medyo.”
“Kaya mo pa?” tanong nito sabay dakma sa “ano” ko. Mainit na naman si Rica. Walang ipinagbago sa “kaelyahan”.
“Ano tayo, Ross?”
Sabik na rin ako. Si Rica ang gumawa ng paraan para lalo akong mag-apoy. Doon sa larong iyon kami mag kasundo ni Rica. Magkatugmang-magkatugma ang aming panlasa. Mahusay na mahusay talaga si Rica. Wala siyang tinatapon.
(Itutuloy)