Ninong (ika-115 labas)

MAY ibibigay na pera   si Jigo? Iyon ang da­hilan kaya gustong-gusto niyang magkita kami. At paalis na raw patungong Canada. Parang hindi ako ma­kapaniwala.

Nagkasunud-sunod na ang mga tanong ko. Ang pera ko kaya ang ibabalik ni Jigo? Dollar din kaya o riyals? At totoo nga kayang pa­ tungo sa Canada? Sino naman kaya ang pu­puntahan doon? Paano siya pupunta roon?

Para akong na-praning. Nahihibang  na yata ako.

Pero hindi ko na pi­nahirapan ang sarili sa pag-iisip tungkol doon. Nagpasya na akong pu­munta sa Batha ng ga­bing iyon para mag­kita kami ni Jigo. Bahala na! Kung anuman ang balak niya, haharapin ko na.

Wala pang alas-si­yete ay nasa Batha na ako. Doon daw sa dati naming kinainan kami magkita.

Naroon na si Jigo sa kabsahan. Maaga pa pero narito na agad.

Nang pumasok ako, nakita agad niya. Kina­wayan ako. Tinungo ko ang mesa niya.

“Akala ko hindi ka darating Ninong…akala ko sasabihin mo na na­mang maysakit ka.”

“Ha e kuwan, maga­ling na. Okey na okey na ako.”

“Siguro kung hindi   ko sinabi na may ibibi-gay ako, hindi ka pupun­ta rito ano, Ninong?”

Ngumiti lamang ako. May nasundot sa kon­sensiya ko.

“May ibibigay akong pera sa’yo, Ninong.”

“Ba’t mo naman ako bibigyan ng pera, Jigo?”

“Kumain ka muna Ni­nong. Masarap ang kab­sa at manok ngayon.”

Sumubo ako. Ha­ bang kumakain, sinabi ni Jigo ang dahilan kaya niya ako bibigyan ng pera.

“Dahil mapagkaka­tiwalaan ka Ninong. Talagang hindi mo ako ipinagkanulo sa ipinag­tapat kong krimen. Da­pat lamang akong mag­bayad.”

“Wala ‘yun, Jigo. Ka­hit hindi mo ako bigyan, ang lihim ay ma­ nana­tiling lihim.”

“Napakabuti mo Ni­nong. Kapag nasa Ca­nada na ako, hindi kita malilimutan.”

“Paano ka nga pala ma­kakapunta sa Ca­nada?”

“Dahil kay Cathy…”

“Sino naman si Ca­thy?”

“Yung nurse na naki­ lala ko sa isang ospital dito. Nagkagustuhan kami. Ikinasal kami bago pa siya nagtungo sa Canada. Mabilis nga ang proseso ng papeles at naayos na agad ang pa­ pel ko para maka­sunod sa kanya. Hindi ko aka­lain. Siguro tala­gang kami na para sa isa’t isa.”

“Ang suwerte mo na-man?”

“Kaya aambunan kita ng suwerte Ninong.”

May kinuha sa bag niya si Jigo. Nasa isang brown envelope. Ini­-    a­bot sa akin.

“Sa bahay mo na buk­san, Ninong. Bayad ko yan dahil mapagka­ka­tiwalaan kang kai­bigan. Malaking tulong ‘yan sa’yo at sa pamil­ya.”

Hindi ako makapag­salita pero masayang-masaya ang nadarama ko. Ang nawala kong pera ay bumalik din. Hindi ko akalain na ga­ nito ang mangyayari.

(Itutuloy)

Show comments