Ate Flora (77)

MALAGO ang buhok at halos lumabas ang buto sa pisngi ni Tito Noel. Epekto marahil ng pag-iisip sa malaking proble­ma na ginawa ng kan­yang asawang si Raquel. Sino ba naman ang hindi mamamayat kapag na­lamang ang pinaghirapan niyang pera inubos la­mang ng kalaguyo ng kanyang asawa.

At ang matindi pang sinabi ni Tito Noel, pati ang dalawa niyang anak ay masama rin ang kina­puntahan. Parang masi­sira ang ulo ni Tito Noel nang ikuwento na ang kanyang anak na si Mar­lon ay nasa rehabilitation center dahil masyado nang nakulta ang utak    sa shabu. Hindi raw niya alam kung may pag-asa pang gumaling ang pa­nga­nay na anak dahil apektado na ang utak.

“At eto namang si  Mi­chelle, na buong akala   ko ay pag-aaral ang ina­atupag, iyon pala’y nag­pa­buntis at pinalaglag na­man ng hayop kong asa­wa…”

“Hindi n’yo ba narinig ang kinuwento ko, Tito   Noel na nagpa-abort ang anak mong babae?”

Nagtawa si Tito Noel. Gusto na yatang masiraan ng bait.

“Ewan ko, hindi ko na ma­tandaan. Basta gan-  yan ang nangyari sa anak kong si Michelle. Pero   alam ba ninyo na nagpa­buntis uli siya?”

Shock kaming dalawa   ni Ate Flora. Hindi na nag­ka­roon ng leksiyon.

“At walang maiturong ama ng kanyang dina- dala,” sabi pa ni Tito Noel na parang bibigay na sa matinding problema.

“Nasaan na po si Mi­chelle, Tito?”

“Hindi ko alam kung  sa­an nagpunta. Hula ko hi­nahanap ang malanding ina, ha-ha-ha!”

Nakadama ako ng awa kay Tito Noel. Kahit na pi­nagsalitaan niya kami ng masakit at inapi-api, nga­yon ay pagkaawa ang na­darama ko. Parang gusto na niyang bumigay sa dina­ranas na problema.”

“E saan ka po umuuwi ngayon, Tito Noel.”

“Diyan lang sa tabi-tabi. Wala, e nabenta na palang bahay ko. Napeke kasi    ang pirma ko. Pero puwede pa naman akong bumalik sa barko. Pipilitin ko. Siguro pagnakasakay uli ako,  baka malimutan ko na ang mga problema…”

“Sana po ay malimutan mo na, Tito Noel,” sabi ni Ate.

“Patawarin n’yo akong dalawa ha. Kapag naka­sakay ako sa barko, pada­dalhan ko kayo ng pera. Mas maganda pa siguro kung sa inyo ko ipatatago ang pinaghirapan ko…”

Niyakap namin si Tito Noel. Awang-awa kami sa kanya. Napatawad na na­min siya ni Ate.

Makalipas ang ilang buwan ay nalaman namin na nakasakay na uli sa barko si Tito Noel. Sumulat siya sa amin.

Pero makalipas pa ang isang buwan, nabalitaan naming nasunog at lumu­bog ang barkong sinasak­yan niya at lahat ng mga Pinoy na opisyal at crew    ay namatay. Ang masaklap hindi na makita ang mga bangkay nang nasunog na barko.

Hanggang sa mawa­lan na kami ng balita kay Tito Noel. Siguro, sad­yang hanggang doon na lamang ang kuwento ng kanyang buhay. Wala rin naman kaming balita sa walanghiya niyang asa-wa at dalawang anak.

“Wala na tayong kina­la­man sa kanila, Ara. Magsisimula na tayo ng sarili natin.”

Pinag-aral ako ni Ate ng sumunod na taon.

“Kailangang maka­tapos ka ng high school, Ara.”

“Dapat e magtapos  ka rin ng kolehiyo, Ate?”

“Gagawin ko ‘yan, Ara.”

(Itutuloy)

Show comments