Ate Flora (74)

'“HUWAG kang manini­ wala sa kanya, Noel. Ako ang paniwalaan mo. Binabaliktad ng dalawang yan ang istor­ya para nga naman hindi mo sila mapaga­litan. Nagnakaw ang dalawang yan at nahuli ni Marlon. Nang sitahin ni Marlon, ito pa ang sinaksak ni Flora. Di ba nakita mo ang sugat sa kamay ng anak mong si Marlon…”

Napatangu-tango si Tito Noel na parang na­ niniwala sa sinabi ng asawang si Raquel.

Pero ang kinikimkim ni Ate Flora ay sumabog na at talagang ipinagsi­gawan kay Tito Noel ang pagtataksil ng asa­wa nito. Labasan na rin lamang ng baho kaya hindi na niya tatantanan si Raquel.

“Pinadala na namin sa iyo ang sulat ng lalaki ng asawa mo Tito Noel. At siguro ay hindi mo na­tatanggap ang sulat na iyon. Iyon ang matibay na ebidensiya na matagal ka nang iniiputan ng asawa mo. Sa mismong kuwarto pa ninyo ginagawa ang pagtataksil.”

“Walanghiya ka Flora huwag mong pagbinta­ngan ang asawa ko. Mabuti siyang asawa. Kayong dalawa ang mga walanghiya at walang utang na loob. Sayang lamang ang pagpapatira ko sa inyo sa bahay.”

“Mabuti pa ngang hindi na kami tumira Tito Noel sapagkat minaltrato kami ng mag-ina mo!”

“Hindi totoo ang si­nasabi niya Noel. Sam­ palin mo ang putang-inang yan.”

Pero hindi magawa   ni Tito Noel ang utos ng taksil na asawa. Siguro’y dahil sa nagkakaroon    na rin siya ng hinala. Tu­mingin siya nang maka­hulugan sa asawang si Raquel. Seryoso.

“Huwag kang mani­niwala sa mga magna­nakaw na ‘yan, Noel. Ako ang paniwalaan mo.”

Matapang na si Ate Flora. Maski kay Tito Noel ay hindi na rin siya nangiming magsalita.

“Makakaalis na kayo, Tito Noel. Hindi na namin kailangan ang tulong mo at mas lalo ng asawa mong taksil.”

Hindi nakapagsalita   si Tito Noel. Hindi inaa-sa­han ang sinabi ni

Ate. Parang ibinabad sa suka sa pagkaputla.

Siguro’y mga tatlong minuto ang lumipas bago nakapagsalita.

“Mga walang utang na loob. Kung hindi sa akin e hindi kayo ma­ka­­ka­tuntong dito sa Maynila.”

“Sampalin mo siya Noel para naman maka­ganti tayo sa ginawa nila sa atin. Tayo pa ang lumalabas na may kasa­lanan. Sampalin mo!”

Pero hindi magawa ni Tito Noel. Takot din.

Nakita naman namin na bumaba ang may-ari ng aming tinitirahang bahay na si Mang Leon. Siguro’y naingayan sa pagmumura ni Raquel.

(Itutuloy)

Show comments