NAKALABAS ng bahay ang siyota ni Michelle na si Jake. At sa aking palagay, wala nang balak bumalik para harapin ang res ponsibilidad kay Michelle. At palagay ko pa, tuwang-tuwa dahil nga nakaligtas sa responsibilidad. Pinalayas ni Tita Raquel e di lumayas nga. Humahalakhak marahil habang naglalakad ang adik na si Jake. Nakatakas siya sa ipinagbubuntis ni Michelle.
Patuloy akong nakiramdam sa mag-inang Tita Raquel at Michelle. Malakas ang boses ni Tita Raquel at dinig na dinig ko ang kanilang usapan.
“Ang akala ko pa naman ay matino ka, Michelle iyon pala ay may ginagawa na kayong kabulastugan ng pun-yetang Jake na iyon. Hayop na iyon, ang lakas ng loob mambuntis e wala man lang yatang alam na trabaho.”
“Mommy ano ang gagawin ko?”
“Letse ka!”
Umiyak si Michelle. Parang iyak nang na-matayan.
“Sabi ko pa naman sa daddy mo ang bait-bait mo at matataas ang grade mo. Iyon pala pakikipagkangkangan ang inaatupag mo.”
Lalong lumakas ang iyak ni Michelle.
“At ang matindi pang ginawa mo e buntis ka. Diyos ko bakit nangyari ito?” sabi ni Tita Raquel na tila pa sinisisi ang Diyos. Hindi na nangimi na tanungin ang Diyos. Kung hindi ko pa alam na nanlalalaki rin siya.
Natahimik ang kuwarto. Sa palagay ko ay nag-iisip si Tita Ra-quel sa problema ni Michelle. Iniisip marahil kung paano sasabihin kay Tito Noel na buntis si Michelle.
Maya-maya pa ay narinig ko na uli ang boses ni Tita Raquel at nagimbal ako sa ga-gawing remedyo sa ipinagbubuntis ni Michelle.
“May alam akong nag-aabort. Iyon na lang ang solusyon kaysa naman malaman ng daddy mo ba tisbun ka.”
(Itutuloy)