Ate Flora (ika-47 na labas)

HINDI ko na kaya ang tagpong iyon kaya ma­bilis akong tumakbo palabas ng kuwarto. Kahit na ano pa ang sabihin ni Michelle ay hindi niya ako mapi­pigil. Habang luma­labas ako ay narinig ko ang tawanan nina Mi­chelle at Jake. Para bang ako ang pinagta­tawanan.

Dumeretso ako kay Ate Flora na noon ay naglalaba. Pagkakita sa akin ni Ate ay para bang nahulaan na nito na may hindi pangkara­niwang nangyayari sa akin.

“Ba’t parang takot na takot ka, Ara?” tanong ni Ate.

Sinabi ko ang mga na­kita kong kahalayan sa kuwarto ni Michelle. Mga sabog sa droga ang dalawa.

“E bakit hindi ka agad lumabas alam mo na pa­lang masama ang nang­yayari?” sabi ni Ate na parang sinisisi pa ako.

“Hindi nga ako maka­alis dahil baka kung ano ang gawin nila sa akin.”

“Napakawalanghiya na talaga ni Michelle. Pati ikaw na nene pa ay ini­la­lantad na sa kalaswaan.”

“Isumbong na natin kay Tita Raquel, Ate. At bahala na kung ano ang gawin sa atin.”

“Sa palagay ko, dapat na nga nating ipaalam ito sa kanya.”

“Pag­­da­ting ni Tita Ra­quel mamaya, isumbong na natin.”

Dakong hapon na du­mating si Tita Raquel at agad naming nilapitan ni Ate para sabihin ang nangyayari sa kuwarto ni Michelle.

“Tita Raquel me sa­sabihin po kami ni Ara sa iyo?” marahan ang pag­kakasabi ni Ate.

“Ano yon? Lalayas na kayo rito? Sige, para ma­wala na ang kabuwisitan dito…”

“E hindi po yon. Tung­kol po kay Michelle.”

“Ano ang tungkol kay Michelle?”

“E kanina po nakita ni Ara na nagsi-sex sina Michelle at boyfriend niya sa kuwarto. Sa harap ni Ara po ginagawa ang ka­halayan…”

“Anooo? Anong pagsi-sex ang sinasabi n’yo?”

“Nasa kuwarto po ni Michelle ang boyfriend niya.”

Parang nahimas­ma­san yata si Tita Raquel at mabilis na nagtungo sa kuwarto ni Michelle. Ma­bilis naman akong naka­sunod sa pag-akyat. Si Ate ay naiwan sa ibaba. Gusto kong mahuli talaga sa akto si Michelle para hindi ako mapag­binta­ngang nagsisinungaling lamang.

Ang pinto ng kuwarto ni Michelle ay hindi naka­awang.

“Michelle! Michelle!” tawag ni Tita Raquel sabay tulak sa pinto.

Huling-huli sa akto ang dalawa na parang mga aso na nakikita kong nasa kalye at mag­kakabit. Tila mga sabog pa sa ginamit na droga ang dalawa. Wala yatang kapa­guran.

“Diyos ko, anong gi­nagawa n’yo?”

Parang mga da­gang nahuli ng pusa ang dalawa pero pa­rang walang reaksiyon.

Nang makita ako ni Tita Raquel na naka­buntot sa kanya ay binulyawan ako.

“Umalis ka nga pun­yeta ka!” sabi sa akin. Mabilis akong umalis. Pero habang buma­baba ako sa hagdan ay parang naka­ganti na ako kay Michelle. Buti nga sa kanya.

(Itutuloy)

Show comments