Ate Flora (44)

HALATA ko sa eks­pres­yon ng mukha ni Tita Raquel na kasab­wat siya ni Michelle. Kaya hindi siya maka­paniwala nang maki­tang nakabalik ako. Hindi nagtagumpay ang balak na mawala ako sa karamihan ng tao sa SM-North EDSA. Pero hindi ako nag­pahalata na alam ko na ang kanilang balak. Nagtanga-tangahan pa rin ako. Tutal na­man, iyon ang pagkakilala sa akin ni Tita Raquel e ’di paniwalain ko     na. Kaya lamang, me tanga bang nakabalik sa bahay. Sabagay kahit ang pusa, iligaw mo at tiyak na maka­babalik din — ako pa kaya?

“O nasan si Mi­chelle?” Tanong ni Tita Raquel na ang mga kilay ay nagsalubong. Halatang dismayado.

“E nawala po siya sa comfort room. Hindi ko na makita. Matagal ko pong hinintay pero hind na nagbalik.”

“Iniwan ka ba?”

“Ewan ko po Tita. Umihi kasi siya at ako ay umihi rin. Paglabas ko sa cubicle, wala na siya.”

“Tatanga-tanga ka kasi. Dapat hindi ka su­mabay sa pag-ihi.”

“E ihing-ihi na po kasi ako.”

“Tiisin mo, punyeta ka!”

Hindi na ako suma­got. Hayop talaga!

“Uli-uli kapag nag-CR ang kasama mo, huwag kang makiki­sabay. Tiyak na hinaha­nap ka nun! Punyeta ka talaga, Ara!”

Gusto kong sagutin na “punyeta ka rin!” Pero minabuti kong  ma­nahimik. Alam kong kaya siya galit na galit ay dahil nabigo ang anak na maldita na maili-  gaw ako. Hindi akalain ng kaliweteng si Tita Ra­quel na makababa-lik pa ako.

“Sige, linisin mo uli ang banyo, punyeta ka!”

Ginawa ko ang si­nabi ni Tita Raquel. Nang matapos kong linisin      ay sumimple akong pi­nuntahan si Ate Flora  na noon ay hindi pa natatapos sa pag­lala-ba. Ikinuwento ko ang nangyari. Napa­iling-iling si Ate.

“Mabuti na lang pala at nasabi kong magba­on ka ng pera.”

“Oo nga Ate. Kung hindi, baka kung kanino ako namalimos.”

“Kaya sa susunud-sunod na umalis ka, magdadala ka ng pera at ilista mo ang phone number dito.”

Hapon na nang du­mating si Michelle. Pa­lihim kong narinig ang usapan ng mag-ina sa salas. Akala ng maldi­tang Michelle ay wala pa ako sa bahay.

“Nailigaw ko Mom-my ang probinsi­ya­na,” sabing nakangisi.

“Tange ka. Kanina pa narito si Ara.”

“Ano?”

“Palpak ka, Mi­chelle!”

Noon ko napatu­nayan na talagang pla­no nilang iligaw ako. Gusto nilang mapa­hamak talaga ako.

(Itutuloy)  

Show comments