“GUSTO mong palayasin kita ngayon din Ara?” sabing muli ni Tita Raquel habang katabi ang malditang si Michelle na parang lasing na yata o nakadroga. Parang nagbubuhol na kasi ang pananalita kanina.
Hindi ako sumagot.
“Huwag po Tita Raquel. Ako na po ang humihingi ng sorry sa ginawa ni Ara. Huwag mo po siyang pala yasin,” nagmama kaawang sabi ni Ate Flora. Kung maaari lamang e lumuhod na ito sa harap ni Tita Raquel.
“Ang tapang-tapang nitong kapatid mo e wala namang maika kaya. Akala yata kaya niyang mamuhay dito sa Maynila, pwe!”
“Patawarin mo na po siya Tita.”
“Huwag Mommy, bigyan mo ng leksiyon ang malditang ’yan para magtanda. Akala yata e uubra siyang maghari-harian dito.”
“Ano ba ang ginawa sa’yo Michelle?”
“E sinagut-sagot ako at gusto akong saktan.”
Gusto kong sumagot sa kasinungalingang si nabi ni Michelle. Hindi naman totoo na gusto ko siyang saktan. Siya nga ang nakaamba na ang kamay sa akin kanina para sampalin ako. Pero hindi na ako nagsalita pa dahil tiningnan na ako ni Ate na ang ibig sabihin ay huwag nang sumagot pa. Huwag nang lumaban. Naalala ko ang sinabi ni Ate kanina na hindi pa panahon para sa paglaban.
“Tarantada ’yan Mommy. Ke liit-liit e matapang. Sampalin kita diyan, bu wisit ka.”
Tiniis ko ang mura.
“Palayasin mo na ’yan, Mommy. ’Yang dala wang ’yan palayasin mo na dahil istorbo lang sila sa atin.”
“Paano pag tinanong ng daddy mo?”
“E di sabihin mong inaaway ako. O kaya sabihin mong nagnanakaw kaya pinalayas mo!”
Napakawalanghiya talaga ni Michelle. Napatangu-tango naman si Tita Raquel sa sinabi ng anak.
“Palayasin mo na Mommy!”
Nakiusap muli si Ate Flora. Umiiyak na.
“Huwag po, Tita! Hindi na uulitin ni Ara ang ginawa niya. Hindi na po siya lalaban kay Michelle.
“Mga punyeta ang da lawang ito. Sagabal sa buhay ko. Ito kasing Noel na ito, nananahimik kaming tatlo e kung bakit pinapunta rito ang dalawang ito. Mga buwisit!”
Hindi ko makaya ang pagmumura ni Tita Raquel, Siguro kaya nasabi niyang istorbo kami ni Ate ay dahil sa ginagawa niyang panlalalaki. Baka matagal na niyang iniiputan si Tito Noel.
“Ikaw Ara ka kapag umulit ka pang labanan si Michelle, talagang kakaladkarin kita sa labas at palalayasin. Hindi na kita patatawarin, punyeta ka!”
“Salamat po Tita Raquel.”
Pero si Michelle nang tingnan ko ay naka ngising-aso sa akin. Parang may binabalak siyang masama sa akin. Para bang gagantihan niya ako sa ibang mga araw.
(Itutuloy)