(Kasaysayan ni E.A.E.)
WALANG imposible sa Diyos sapagkat ang lahat ng mga hiniling ko habang nasa loob ay naganap. Hiniling kong matagalan ang lahat habang ako ay nasa loob at sana naman ay hindi maging matagal ang pagkakakulong ko. Kung ang iba ay nagagawaran ng ka-patawaran at napapaikli ang sentensiya, ma aari rin naman akong humiling sa Diyos niyon. Naniniwala ako na ang isang nagsisisi at nagnanais na magbagumbuhay ay laging binibigyan ng Diyos ng pagkakataon. Hindi niya ipagkakait ang hinihiling sa isang katulad ko.
Hindi ang pansarili ko lamang ang aking hinihingi ng awa kundi pati na rin ang mga kasamahan kong bilanggo na ang lahat ay pawang nagsisi na sa mga nagawang kasalanan. Pati ang kaibigan kong si Joy ay idinalangin kong mabigyan ng parole at sana rin naman ay mapatawad na siya ng mga magu lang.
Mas naunang dininig ng Diyos ang panalangin ko kay Joy sapagkat makalipas lamang ang isang buwan ay may sorpresang dumalaw sa kanya sa bilangguan. Ito ay walang iba kundi ang kanyang mama at papa. Pagkaraan nang maraming taon ay nakita muli ng kanyang mga magulang ang anak na naligaw ng landas. Ang itim na tupa ay pinatawad na ng kanyang mga magulang.
Masayang-masaya si Joy makaraang dumalaw ang kanyang mga magulang. Parang bata na walang tigil sa pagkukuwento.
“Masayang-masaya ako, Eloi. Ganito pala ang nararamdaman kapag napatawad ka ng mga magulang…”
“Di ba’t wala naman talagang imposible sa Diyos, Joy. Hindi niya pinababayaan ang mga anak niyang nagsisisi at muling tumanggap sa kanya…”
“Tama ka Eloi, wa-lang imposible sa Di-yos,” sabi ni Joy na nangingilid pa ang luha. “Sabi ni Papa at Mama, pagdalaw uli nila, kasama na ang mga kapatid ko. Hindi raw nakasama kasi nasa abroad pareho ang dalawa at ang bunso naman ay nasa school. Pero pagdalaw nila, reunion na kami. Ang saya-saya ko talaga Eloi.”
Mas matinding kaligayahan pa ang nadama ni Joy nang pagkalooban ito ng parole. Magandang record ang nagawa sa bilangguan.
Isang araw bago ang nakatakdang paglabas ni Joy ay kinausap niya ako nang masinsinan.
“Malakas ang kutob ko na susunod ka na ring lalaya, Eloi. Nararamdaman ko na….”
“Sana nga Joy. Gusto ko na ring lu maya.”
“Huwag kang mag-worry, Eloi…”
“Dalawin mo ako, Joy.”
“Siyempre naman. Hindi kita malilimutan.”
Nang makalabas si Joy ay lalo ko pang ibinuhos ang pana-hon sa pagbibigay ng lakas ng loob sa mga bagong dating na inmate. Malaki ang pagkakataong magbago kahit pa ang pinaka-masamang nilalang.
(Tatapusin na bukas)