(Kasaysayan ni E.A.E.)
“KAILAN daw ibibigay sa’yo ang pera, Eloi?” tanong ni Gil na nangingislap ang mga mata dahil sa katuwaan.
“Sa akinse raw.”
“Kailan ba ang akinse?” tanong at luminga-linga para maghanap ng kalendaryo.
“Sa isang linggo. Sa isang ganito, Eloi…”
“Kapag naibigay na niya ang P100,000 aalis na agad tayo rito, Gil…”
“Oo naman. Mas safe tayo sa Mogpog.”
“Paano si Matrona?”
“Bahala na siya sa buhay niya. Basta tayong dalawa ang magsasama.”
“Sino ang daratnan natin sa Mogpog, Gil?”
“Yung mga magulang ko.”
“Teka saan nga ba ang Mogpog?”
“Ay ang hina nito sa geography. Mogpog lang di mo alam.”
“E sa boba ako e.”
“Ang Mogpog e nasa Marinduque.”
“Maganda ba roon?”
“Oo naman. Maraming pagkain doon.”
Nag-imagine na ako. Magiging maganda si guro ang buhay namin sa Mogpog. Paano kaya kami magpapakasal ni Gil? Ano kaya ang ugali ng mga magulang niya at kapatid? Baka kapag nalamang pakabit-kabit ako sa iba’t ibang lalaki e tabangan sa akin.
“Ang dami mong pera Eloi. Kalain mo, magkakaroon ka ng hundred thou na walang kahirap-hirap…”
“Ay anong walang kahirap-hirap? Eto’t nagasgas na nga itong ano ko…”
“Okey pa naman yan kahit nagasgas ah…”
“Ayaw ko nang ipagasgas ito sa iba, Gil. Sa’yo na lang ito talaga…”
Humagalpak ng tawa si Gil. Saka hinalikan ako sa labi.
“Mamayang gabi hin di muna ako dito sa kuwarto mo ha?”
“Bakit?”
“Nagyayaya sa casino si Matrona. Baka mada ling-araw na kami umuwi. Kapag nanalo siya, marami na naman akong makukupit…”
Napatango na la mang ako kay Gil. Wala naman akong magagawa. Hindi naman ako makakatutol kung ano ang gawin nila ni Matrona. (Itutuloy)