ELLANG (144)

(Kasaysayan ni M.R.A. ng Riyadh,KSA)

“BAKIT ang tagal mo akong pinagtiis Dolfo? Bakit ang tagal mo bago ako hinanap?”

Iyon ang nasabi ko ma­ karaang umiyak. Yakap   pa rin ako ni Dolfo. Para bang ayaw na akong pa­kawalan.

“Mahabang istorya Ellang at sana ay maintin­ dihan mo ako!”

“Ang buong akala ko, iniwan mo na ako.”

“Hindi kita iiwan, Ell­ang! Hindi ko magagawa ‘yon.”

“Kahit ba ganito ang ka­ lagayan ko na na-rape ng amo at nabuntis?

“Kahit na ano pa ang nangyari sa iyo, hindi ako nagbabago. Ako pa rin ang nakilala mong Dolfo.”

Muli akong umiyak at  su­mubsob sa dibdib ni Dolfo.

Narinig namin ang pag­ sasalita ni Nanay Encar.

“Maupo kayong dalawa rito sa sopa. Dito kayo mag­lam­ bingan.”

Napangiti ako ganoon din si Dolfo.

“Halika nga at maupo tayo. Nakatingin sila sa atin, o.”

Tinungo namin ang sopa. Inalalayan ako ni Dolfo sa paglalakad.

Ipinakilala ko si Dolfo kay Inay at Nanay Encar. Nag­ ma­no si Dolfo kay Inay at Nanay Encar.

“Kaawaan ka ng Diyos, Dolfo,” sabi ni Inay.

“Salamat po Inay,” sagot naman niya.

“Kayo baga ay nakakain na Dolfo?” tanong ni Nanay Encar.

“Opo. Kumain po kami sa Calapan pier.”

“E di magpapaluto na lang ako ng meryenda. Na­kain ka baga ng pinaltok?” tanong ni Nanay Encar.

“Ano pong pinaltok?”

“Ginataang bilug-bilog na malagkit na may kahalong sago at saging.”

“Opo. Masarap po ‘yon.”

“Siya diyan muna kayo ni Ellang at kami ay sa kusina at magluluto ng pinaltok.”

Naiwan kami sa salas. Nakatingin ako sa batang babae na kasama ni Dolfo. Nahalata ni Dolfo ang pag­ka­­katingin ko sa bata.

“Siya ang aking anak — si Angela.”

“Ah,” nasabi ko. Hinalikan ko at niyakap si Angela.

“Ilang taon ka na Angela?”

“Five po.”

“Gusto mong dito na tu-mira?”

“Opo. Sabi po ni Daddy, ikaw na ang magiging mom­ my ko.”

Binalingan ko si Dolfo.

“Totoo nga Dolfo?” ta­nong ko.

“Oo. Magpapakasal na kasi tayo kapag nakapa­nga­nak ka na.”

“E paano tayo maka­pag­­­­pa­pakasal e kasal ka pa sa iyong…”

“Patay na ang taksil kong asawa!”

“Paanong namatay?”

“Kasama siyang nabaril nang mag-raid ang mga pulis sa kanilang bahay. Pusakal palang drug pu­ sher ang dalawa. Ayaw sumuko. Lumaban ang   ka-live-in at nagkabarilan na. Mabuti nga at hindi nada­may ang anak kong    si Angela…”

“Paanong napunta sa kanya si Angela?”

“Iyan ang ikukuwento  ko, Ellang. Iyan ang dahilan kung bakit hindi kita agad pinuntahan at hinanap….”

Nasasabik ako sa ku­ wento ni Dolfo. (Itutuloy)

Show comments