Warat na sapatos ni Cinderella(66)

-TINUPAD ni Mel- vin Underwood ang kanyang pangakong pera. Kumatok sa bahay isang hapon ang isang lalaki mula sa worldwide delivery. Humingi ng mga identifications ko at pagkarang maberepika ay ibini- gay sa akin ang pera na nagkakahalaga ng $500. Converted na sa peso kaya mahigit P25,000 ang natanggap ko.

Nang makaalis ang lalaking nagdeliber ay hindi pa rin ako makapaniwala na may grasyang biglang bumagsak sa palad ko. Makapal ang tig-1,000 bills. Sa totoo lang noon lamang ako nakahawak nang ganoon kalaking cash. At matagal bago ako nakabawi sa pagkatulala.

Ako lamang ang nasa salas. Si Jomar ay nasa kuwarto, kasama si Cholo. At sigurado ako na kahit makita ni Jomar ang maraming perang nasa kamay ko ay balewala rin sa kanya. Mataas ang pride ni Jomar at hindi marunong tumanggap ng katotohanan.

Nang makabawi ako sa pagkatulala ay naisip ko ang mga kasunod na mangyayari sa amin ni Melvin Underwood. Tiyak na susulat kaagad iyon at itatatanong ang tungkol sa pera. At siguro mayroon siyang sasabihin sa akin kung ano ang paggagamitan ng pera. Baka iyon ang gagamitin sa pagprocess ng papeles ko sa pagkuha ng passport at kung anu-ano pa. Baka papuntahin ako sa US Embassy. Diyos ko, hindi ko alam patungo roon. At baka Inglesin ako ng mga Kano roon e hindi agad ako makasagot. Sabagay, nakaiintindi naman ako ng English pero hindi ako makapagsalita ng deretsuhan. Ang alam ko e English carabao.

Hindi ko na sinabi kay Jomar na pinadalhan ako nang malaking pera ni Melvin. Para ano pa? Wala rin naman siyang pakialam.

Ganoon pa man, ibinili ko siya ng mga gamot. Kahit na hindi kami nagkikibuan, hin-di ko matiis na wala siyang iinuming gamot. Tungkulin ko iyon sapagkat baka mamatay siya dahil hindi naka inom ng gamot. Ayaw ko rin namang mangyari iyon.

Nang makabili ng gamot, gatas at ilang mahahalagang bagay ay itinabi ko na ang pera. Maingat na maingat. Hindi ko alam kung may kasunod pa iyon kaya kailangang tipirin.

"Ito ang gamot mo," sabi ko kay Jomar.

Kinuha naman. Takot din sigurong mamatay. Nakita kong ininom agad ang isa. Pang-15 days ang binili kong gamot niya. Mabuti nang maraming gamot at baka maubos ang budget.

Sumunod na linggo ay dumating ang sulat ni Melvin. Bago na ang kartero, isang matanda rin na walang imik. Wala na nga ang manyakis na si Mang Dencio.

Natuwa naman ako sa sulat ni Melvin sapagkat gastusin ko raw sa lahat ng pangangailangan ko at anak kong si Cholo ang pera. Kung run out of money na raw, sulat agad ako at magpapadala siya.

Para akong nakatapak sa ulap. Mala- pit ko na nga sigu- rong maabot ang heaven.

Bumili ako ng mga damit at sapatos. Matagal na akong hindi nakabibili ng mga iyon. Ang huli kong pagbili ng damit ay noong bago kaming dating dito sa Pasay. At ang damit na iyon ay lumang-luma na.

Ang sapatos kong isinusuot ay malapit nang mawarat.

Dalawang blusa at dalawang palda at isang pantalong maong at sapatos ang binili ko.

Pati si Jomar at Cholo ay ibinili ko rin ng damit.

Nang umuwi ako ng hapong iyon ay bumili ako ng pizza. Pasalubong sa mag-ama. Hindi makapaniwala si Jomar.

(Itutuloy)

Show comments