GUSTO ko nang talikuran si Mang Dencio pero baka mabastusan at maapektuhan ang pagdadala ng sulat ni Underwood.
"Hindi naman po."
"Hmmm nakakagigil ka talaga Cindy," sabi ni Mang Dencio na parang hayok.
"Sige po Mang Dencio, sa sunod na lamang uli," humakbang na ako patungo sa hagdan.
Ang matindi ay ang nangyari pagkaraan ng ilang araw.
Dumating uli si Mang Dencio pero walang sulat para sa akin. At nakapagta- taka na tinawag ako.
"Cindy sandali nga."
"Bakit po?"
"Basta halika rito sa baba."
Hindi ko akalain ang gagawin ni Mang Dencio sa akin nang bumaba ako sa hagdan. Kinabig ang ba-tok ko ng kaliwang kamay at saka marahas akong hinalikan sa labi. Hindi ako nakakilos. Nalanghap ko ang mabahong hini-nga ng matanda.
"Hmmmppp!"
Nagpipiglas ako at saka lamang nagsisigaw.
"Jomar! Jomar!"
Nabitiwan ako ng matanda sa pagkakataong iyon. At akma sanang tatakbo pero nasa may pintuan na si Jomar.
"Hoy putang ina ka!"
Tinangka ni Jomar na tumalon sa hagdan pero dahil mahina ang katawan, masa-ma ang bagsak at napaluhod. Si Mang Dencio ay mabilis namang nakatakbo. Bahag na bahag ang buntot.
"Putang ina anong ginawa sa’yo Cindy ng hayop na iyon?"
Hindi ako makasagot sapagkat tulala pa rin ako. Umiyak na lamang ako. Ang mga kapitbahay naming usisero at usisera ay nakahanay sa magkabilang gilid ng eskinita at nagbubulungan.
Bulong ng isang tsismosa sa katabi.
"Nilips to lips ni Mang Dencio…"
"E, bakit kaya ginawa iyon?"
"E kasi nanunuk- so naman ang suot nitong si Cindy. Tingnan mo naman ang utong?"
"Oo nga. Akala mo e GRO."
"Siguro natukso na ang matandang kartero."
"Pero di ba parang manyakis ang matandang ‘yan."
"Ewan ko."
Nakatayo ako mula sa pagkasalagmak sa kalsada. Si Jomar man ay nakatayo na rin. Umakyat ako sa hagdan. Nasa likod ko si Jomar. _
(Itutuloy)