BINISITA namin ni Sadik ang bagong bukas na shawarmahan niya sa silong ng Batha Hotel. At labis ang pagkatuwa ni Sadik sapagkat napakaraming kumakain. Karamihan pa ay mga Pinoy. Hindi naman gaanong kalakihan ang puwesto. May sampung upuan na nakadikit sa dingding na salamin. Okupado lahat iyon ng mga kumakain. Ang iba ay naghihintay na mabakante ang upuan.
Nag-iisa lamang ang Turkong tagahiwa ng shawarma pero kayang-kayang serbisyuhan ang mga kustomer na karamihan ay Pinoy. Sinulya-pan ko ang karneng hinihiwa-hiwaan ng Turko. Mamula-mula at sa itsura ay napakasarap. Naamoy ko ang mabangong karne. Napakasarap ng amoy.
Tinanong ko si Sadik kung bakit ganoon ka-bango ang karne.
"Secret yan, Antonio."
"Anong secret?"
Ibinulong sa akin. Ganoon pala. Hindi pala lahat ay beef ang karne kundi may kasamang manok. Mas masarap ang lasa ng manok kapag kasama ng beef. At hindi raw mahirap hiwain. Kaya pala ganoon kabango. Ang isa pa raw sekreto ay ang sariwang gulay na ipinapalaman. Mas manamis-namis na malalaking kamatis ay nagbibigay ng sarap sa karne. Ganoon pala.
Mas lalo raw masarap kumain ng shawarma kung ang softdrink (Pepsi o Coke) ay nasa lata. Madarama ang sarap talaga.
Mga Turko raw talaga ang mahuhusay na mag-sa-shawarma. Katuna- yan ang mga Turko ang nagpauso nito sa Saudi Arabia.
Nang pauwi na kami ay hindi ko akalaing itata-nong sa akin ni Sadik kung bagay ang negosyong shawarma sa Pinas. Nang mga panahong iyon ay kakaunti pa lamang ang mga may shawarmahan sa bansa at hindi gaanong makuha ang masarap na shawarma.
"Puwede, Sadik."
"I want to try shawarma business in Manila."
Gulat ako.
"Sino magma-manage?"
"You."
"Me?"
"Yes!"
Pero sino ang magda-drive sa kanya. Never mind daw ang pagda-drive dahil marami naman ang mga Pinoy na maaaring ma-hire. Basta ang balak daw niya at magkaroon ng shawarmahan sa Pinas. Hindi lamang daw basta shawarma kundi da best shawarma.
Huwag ko na raw pag-isipan ang sinabi niya dahil itutuloy niya ang balak. Kahit daw mag-kano ang kapital ay kaya niya. Basta ang maha- laga ay may magma-manage na katulad kong mapagkakatiwalaan.
Patuturuan daw niya ako para maging shawarma expert sa Turko.
Sinabi ko ang balak na iyon kay Susan at nagulat din ito.
"Paano kami ng dalawa mong anak?"
"Iyan ang itatanong ko kay Sadik."
Kinausap ko si Sadik tungkol doon. Ako lamang daw ang uuwi sa Pinas at maiiwan ang aking asawa at anak sa piling nila ni Tina.
"Paano ako?"
Nakatutuwa ang sinabi niya, ako na lamang daw ang magbabakas-yon sa Saudi kapag nahomsik.
(Tatapusin)