"KAILAN po siya dumating?" tanong ng anak ni Tina.
"Kamakalawa pa," sagot ko. Nagtataka ako kung bakit hindi nila alam gayong ang sabi ni Tina ay alam na ang tungkol sa kanila ni Sadik. Nahuhulaan kong may problema sa pagitan ni Tina at kanyang ina.
"Hindi po ba sinabi sa inyo ni Tina na darating siya at sa hotel unang tutuloy?"
Umiling ang matanda. Nakatingin naman ang anak ni Tina sa akin.
"Pero alam nyong kasama ni Tina ang lalaking mapapangasawa niya?"
"Oo, pero hanggang doon lang. Wala siyang sinabi kung ano ang mangyayari. Siguro dahil nagtatampo pa si Tina sa akin "
Sabi ko na nga ba at may dahilan.
"Kasiy baka tutulan ko ang mga balak niya. Iniisip na naman niyang kokontrahin ko siya "
Napatangu-tango ako. Siguroy nag-ugat ang tampuhan sa unang lalaking nagkaroon ng relasyon kay Tina at nagbunga ng anak. Ang anak nga ay ang dalagitang nasa harap ko.
"Mabuti pa po ay umalis na tayo at baka naghihintay na si Tina "
"Bakit tayo? Kasama ba ako?"
"Opo. Sabi ni Tina kayong dalawa ang isama ko sa hotel."
"Baka ano? Baka magtalo lamang kami roon."
"Hindi po. Sumama ka na po at baka naghihintay na sila."
Sumama ang matanda. Nagtaksi na kami para mabilis makarating. Walang problema sa pang-taxi sapagkat binigyan ako ni Sadik ng $100 lang naman. Ipinapalit ko agad iyon.
Habang nasa taxi ay nag-uusisa na ang matanda.
"Ano ba ang itsura ng lalaking kasama ni Tina?"
Napangiti ako.
(Itutuloy)