Sadik (ika-34 na labas)

(Kasaysayan ni Tony Z. ng Riyadh)

WALA akong kamalay-malay ay lihim palang kinokontak ni Sadik ang asawa kong si Susan para maa-yos ang mga papeles at nang madala rito sa Riyadh. Tinupad niya ang sinabi na anuman ang hilingin ko ay ibibigay niya. Eto nga at kapiling ko na ang aking asawa.

"Alam mo Tony, hindi ako makapaniwala nang tumawag sa akin ang lalaking taga-Saudi Embassy na maghanda na raw ako. Magdala nang maraming damit at sa mga darating na araw ay lilipad ako.

"Makaraan ng isang linggo ay tumawag ang empleado at sinabing maaari na akong makabiyahe. Pumunta na raw ako airport at siya ang magtuturo ng mga gagawin ko pagdating sa Riyadh. Alam mo, hindi ko malaman ang gagawin. Excited akong masyado. Wala naman akong kutob na may nangyari pala sa iyo…"

"Siguro’y ayaw ni Sadik na mabigla ka kaya ganyan ang ginawa niya at saka para na rin makatupad sa pangako sa akin."

"Ibig mong sabihin, nangako siya sa iyo?"

"Oo."

"Napakabuti niya, Tony."

"Talagang napakabuti niya Susan."

"Bihira ang katulad niya."

Itinuloy ni Susan ang pagkukuwento kung paano siya nakarating sa Saudi. (Itutuloy)

Show comments