Ebo at Adan (65)

(Batay sa kasaysayan ni D.M.L.)

TIBO ginahasa! Iyon ang magiging balita. At hindi ko lubos maisip kung paano ko maisasakatuparan iyon. Sa tipo ni Joan tibo, tila mahihirapan ang sinumang magtatangka sa kanya – lalo pa kung gagahasain. Palagay ko’y malakas ang tibong iyon at lalaban nang sabayan kapag may kumanti. Kaya nang sabihin ni Hilda sa akin na anyo lamang ni Joan ang tibo, ay hindi ako maniwala. Masyadong mabait at malambing daw si Joan tibo. Marahan daw mangusap at talagang malambot. Sabi pa nga’y mas matigas pa ang aking asawang si Rina. At napaghinalaan pa ang aking asawa na ito ang tibo. Siguro’y nasabi ni Hilda na matapang at animo’y tigre si Rina makaraan siyang makatikim dito. Inabot kasi sila ni tibo na may "ginagawa" sa cubicle.

Paano nga kaya manggahasa ng isang tibo? Parang hindi ko maisip kung paano. Nalilito ako.

Pasukin ko kaya sa banyo, sa kuwarto o abangan sa isang lugar at doon ko isagawa ang balak? Pero lagi silang magkasama ni Rina. Maski rito sa bahay ay sila lagi ang nag-uusap. Walang pagkasawa sa isa’t isa. Maski nga sa paliligo’y nagsasabay pa. Magkasama sa pagkain ng almusal, tanghalian, hapunan at meryenda. Halos magkapalit na ang mukha dahil sa pagiging malapit sa isa’t isa. Hindi maghiwalay man lamang.

Maraming beses kong inabangan si Joan tibo na mapag-isa pero hindi nangyari. Talagang mailap ang pagkakataon.

Isang hatinggabi, nagising ako sa malalakas na katok sa pinto ng aking kuwarto.

"Dan! Dan!"

Nagulantang ako at nagkumahog na bumangon. Hindi ko mabosesan kung sino ang tumatawag.

Binuksan ko ang pinto. Si Joan tibo ang naroon.

"Dan, tulungan mo ako. Si Rina masakit ang tiyan, namimilipit, dalhin natin sa ospital. Kanina pa sumasakit at ayaw tumigil."

Kahit na magkagalit kami ni Joan tibo sa pagkakataong iyon ay isinantabi ko muna ang usapin sapagkat ang nasa panganib ay ang aking asawa.

Mabilis akong sumugod sa guest room. Ang guest room ang naging love nest na nila mula noon.

Namimilipit nga si Rina. Nang hipuin ko ang noo ay malamig ang pawis.

"Dalhin natin sa ospital," sabi ni Joan tibo. Nagpapanic na.

Binuhat ko si Rina at mabilis na nailabas sa garahe. Binuksan ni Joan tibo ang pinto ng kotse at ipinasok ko si Rina.

"Halika, sumama ka," sabi ko.

Mabilis na sumakay si Joan tibo. Mabilis ang ginawa kong pagpapatakbo para makarating agad sa ospital. Deretso sa emergency room at ineksamin ng doktor. Makalipas ang isang oras ay lumabas na ang doktor at nagreseta ng gamot.

"Para maalis ang kirot na nararamda-man niya."

"Ano po ang sakit niya Dok?"

"Idadaan pa sa lab test kaya hindi maaaring sabihin."

"Maaari na po ba siyang kausapin, Dok?

"Hindi pa."

Nagtungo ako sa mga upuan. Maraming naghihintay doon. Naupo ako. Habang nakaupo iniisip ko ang kalagayan ni Rina. Ano kayang sakit niya?

Hanggang sa makita ko si Joan tibo na papalapit sa kinaroroonan ko.

(Itutuloy)

Show comments