Ebo at Adan (ika-36 na labas)

(Batay sa kasaysayan ni D.M.L.)
PATAY at umiibig na nga sa akin si Hilda. Iyan nga ba ang ayaw ko sa mga babaing kinakalaro ko. Umiibig sa akin gayong ang hangad ko lamang naman ay makipaglaro. Kahit na gusto ko’y walang "string attached", hindi ko mapigilan ang babae na mahalin ako. At ganito ang nangyayari kay Hilda. Siguro’y umibig sa akin dahil sa mga ipinakita ko rin namang kabaitan sa kanya.

"Kung ayaw nang kumalas ang tibo sa misis mo, nandito naman ako, Dan at naghihintay…"

"Siguro naman e kakalas na ‘yon dahil puwede na uli ako. Pinagaling mo na ako di ba?"

"Basta kung wala nang pag-asa ang lahat, hanapin mo lamang ako. Nandito lang ako."

"Masyado nang seryoso yan a."

"Mabuti nang alam mo para hindi ka na nahihirapan. Sinasabi ko na nang harapan na ma-hal kita."

Lumabas muli kami ni Hilda ng gabing iyon. Sa dating paboritong lugar ko siya dinala. At talagang napatunayan ko na wala na ang aking erec-tal dysfunction. Naglaro kami nang naglaro ni Hilda ng gabing iyon. Okey na okey na ako.

At gaya ng dati, pagkatapos ng laro ay ihahatid ko na si Hilda sa kanyang tirahan na malapit din lang sa club na kanyang pinapasukan. Isang kuwarto ang kanyang inuupahan. Ayaw akong papasukin sa loob pero nagpumilit ako.

"Sige na. Baka may mainit kang tubig diyan e makapagkape."

"Sige na nga."

Makipot ang kuwarto pero malinis. May kamang single, may maliit na ref, nasa sulok ang 14 inches na TV at nasa likod ng pinto ang plastic na lalagyan ng damit.

"Saan ka kumakain?"

"Hindi ako kumakain dito. Sa club ay libre naman. Tulog lang talaga dito."

"Nasaan ba ang mga magulang mo?"

"Nanay na lang at isang kapatid. Nasa probinsiya."

"Pinadadalhan mo na lang ng pera?"

Tumango.

"Magpapainit ako ng tubig."

"Huwag na. Binibiro lang kita. Aalis na ako."

Inabutan ko siya ng pera. Tumanggi.

"Binabayaran mo ako?"

"Hindi. Para sa gastusin mo ‘yan."

"Meron pa naman ako."

Ibinalik ko sa bulsa ang pera.

"Sige sa sunod na lang. Alis na ako."

"Ingat ka Dan."

"Ingat ka rin. Isara mong mabuti ang pinto."

Hinalikan ko siya sa labi.

"Bukas nasa club ka uli?"

"Oo."

"Hintayin kita."

Umalis na ako.

Nang dumating ako sa bahay ay tahimik na tahimik na. Inaasahan ko na wala sa aming kuwarto si Rina at nasa guest-room katabi ni Joan. Pero nagulat ako nang makita siya sa kuwarto namin. Manipis na manipis ang pantulog. Nakapagtataka ang ganito na inabutan ko siya sa kuwarto namin. Nasaan kaya si Tibo?

Nagpalit ako ng damit. Makaraan ay dahan-dahan akong naupo sa kama. Iningatan kong makagawa ng ingay at baka magising si Rina. Nahiga ako na halos hindi gumalaw ang kama. Nagtataka pa rin ako kung bakit dito natulog ang babaing ito. Umalis na uli kaya ang tibo patungong US kaya nakikipagbati na sa akin ang babaing ito. Mula nang masaksihan ko ang malaswang tagpo sa guest room ay hindi ko na kinausap si Rina. Wala na kaming pakialam sa isa’t isa.

Tuwid na tuwid ako sa pagkakahiga at hindi gumagawa ng ingay at pigil na pigil ang pagkilos.

Kumilos si Rina at idinantay ang hita sa aking mga binti. Kumilos din ang kanang kamay at eksaktong bumagsak sa aking si "Sir Peter". Parang sinadya na doon bumagsak na nagbigay naman sa akin ng kiliti. Hindi kaya gising ang babaing ito at sinadyang doon ibagsak ang kamay kay "Sir Peter"? Pero tulog na tulog naman. Walang kakilus-kilos.

Hindi ko inaasahan ang nangyayari kay "Sir Peter" na nagsisimulang mabuhay dahil nahawakan na ni Rina. Mukhang magaling na talaga ako. Mukhang hindi na lulugu-lugo sa harap ng aking asawa.

Hanggang sa tuluyan nang mabuhay ang patay at naghanap nang mapaglilibingan.

(Itutuloy)

Show comments