Ebo at Adan (ika-28 na labas)

(Batay sa kasaysayan ni D.M.L.)

MULA sa pinto ay makikita agad ang kama kaya walang maipagkakaila ang sinumang may ginagawang bawal. Hindi maaaring maitanggi sapagkat ilang hakbang lamang ang layo niyon sa pintuan.

At ang ginagawa ng aking asawang si Rina at ni Joan ay hindi nila maaaring maitanggi.

Nakapanood na ako ng mga x-rated film kung saan ang mga bida ay dalawang babae. At kung ano ang aking napanood ay ganoon ang nakita ko sa ibabaw ng kama, starring ang aking asawang si Rina at si Joan. Walang ipinagkaiba sa ginagawang kalaswaan sa pelikula. Ang pagkakaiba lamang ay walang gaanong sigla ang labanan. Hindi kasing aksiyon ng napanood ko. At naisip ko siguro’y bago pa lamang natutuklasan ng dalawa ang "larong" iyon. Siguro’y ngayon lamang napapayag si Rina. Kilala ko si Rina na isang mahiyaing babae at ma-hilig lamang sa bahay. Matagal din siyang nakumbinsi ni Joan.

Marami marahil nainom ang aking asawa kaya hindi na nakatanggi sa anya-ya ni Joan. Hindi rin naman kasi umiinom si Rina. Nilambutsing-lambutsing marahil ni Joan. Hinalik-halikan siguro sa "delikadong" bahagi. Bumigay na nang todo ang mahinhin kong asawa. At ayaw kong isipin, na baka nagustuhan na niya ang ginagawa ni Joan.

Gusto ko nang sugurin ang dalawa at upakan nang suntok, sipa at sampal si Joan, pero ano ang mapapala ko. Sakaling magpadala ako sa bugso ng damdamin, ano ang mangyayari sa akin? Kataas-taasan, pagtawanan lamang ako ng dalawa, lalo pa ang aking asawa.

At baka lalo lamang akong masaktan kung ganoon ang mangyari. Tumututol ang aking isipan na gawin ang pagdaluhong sa dalawang nasa kama at nagpapakaligaya. At para namang tukso na nangungutya ang kabilang bahagi ng aking utak: Hindi naman nakabubuntis ang dila ng babae kapag ginamit sa kapwa babae! Buwisit! Buwisit! Minura ko ang kabilang bahagi ng aking utak. Kaysa naman manlalaki ay mas mabuti na sa tomboy kamtin ang hinahanap na ligayang hindi ko maipagkaloob. Tama ba iyon? Ewan ko. Naguguluhan ako.

Sa dakong huli, wala akong ibang nasisi kundi ang aking sarili, kung hindi naging "palyado" si "Sir Peter" baka ako ang nasa ibabaw ni Rina at hindi si Joan. Kasalanan ko! Kasalanan ko!

Dahan-dahan kong isinara ang pinto ng guest room at marahang umalis. Laglag ang balikat na nagtungo ako sa kuwarto namin. Nahiga ako. Hindi ako makatulog. Nakatingin lamang ako sa kisame. (Itutuloy)

Show comments