Salamat, hinango mo ako sa putikan! (Ika-77 na labas)

(Batay sa kasaysayan ng isang nagpapatago sa pangalang Che)

BUO na ang planong pag-raid sa Black Roses sa gabing iyon. Nakahanda na ako sa mga mangyayari. Tama ang sabi ni Ate Au, dapat nang matapos ang mga ginagawa ni Mr. Lee sa mga kabataang babae na inihuhulog niya sa putikan. Sa halip na tulungan ang mga kapuspalad na babae ay pinagsasamantalahan pa. Pauutangin nga subalit mas malaki pala ang kapalit — sisirain ang puri. Pagkatapos sirain ay tatapakang parang basahan katulad ng ginawa kay Ate Au, Ina at Pearl. At malay ko pa nga ba kung ang iba ko pang kasamang modelo ay "nagalaw" na niya. Kaya bago pa dumating ang oras na ang puri ko naman ang kanyang sirain, uunahan ko na siya.

Bago magsimula ang aming palabas ng gabing iyon ay ipinatawag ako ni bossing sa kanyang opisina. Kinabahan ako. Baka natunugan ang balak na raid at ako ang pinagsususpetsahang asset ng mga pulis. Mabilis akong nagtungo sa opisina niya. Hindi ako nagpahalatang kinakabahan.

"Wow ang ganda-ganda mo ngayon Che! Super ka talaga!" bati ni bossing na nakangiti na halos magsara na ang mga mata.

Nawalang bigla ang naramdaman kong kaba. Wala siyang nalalaman sa balak na raid mamayang madaling-araw. Ngumiti lamang ako sa papuri niya.

"Maupo ka," sabi at itinuro ang upuan sa harap ng mesa.

"Fresh na fresh ka. Kaya naman nauulol na ang mga customer sa’yo."

Ngumiti lang uli ako. Sa isip ko, sige lang, purihin mo ako nang purihin.

"Handa ka na ba mamaya Che?"

Tumango ako.

"Medya-medya lang ang gawin mo ha?"

"Pa’nong medya-medya bossing?"

"Huwag mong ilalabas lahat ang boob-sie mo. Ibitin mo lang muna. Para bukas mas marami ang pupunta rito sa Black Roses para abangan ka."

Negosyante talaga ang taong ito, naisip ko.

"Takawin mo muna. Alam mo na siguro ang gusto kong sabihin."

Tumango naman ako para hindi siya makahalata.

"Tiyak kapag nakita nila ‘yang boobsie mo, papatok lalo itong club ko."

"Pagkatapos kong ipakita ‘tong boobs ko, anong susunod kong ipakikita?"

"Siyempre yang ano mo?" sabi at tumingin sa harapan ko. Parang tumatagos ang tingin niya sa damit ko.

Kinipit ko ang aking mga hita.

"Virgin ka pa Che ano?"

Nabigla ako sa tanong niya pero agad din akong tumango.

"Kung bigyan kita ng P50,000 ngayon, ‘ibibigay’ mo ba sa akin ‘yan?"

Nanginginig na tanong sa akin ng walanghiya. Pero naisip kong makipaglaro. Sasakyan ko ang mga sasabihin niya para hindi makahalata.

"Mamaya na lang bossing pagkatapos ng palabas."

Sa tingin ko naglalaway na ang manyakis na Intsik sa alindog ko.

(Itutuloy)

Show comments