Darang sa Baga (Ika-203 na labas)

(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

TAGUMPAY ang pagsisinungaling at pag-aartista ko kay Ramon. Napaniwala kong naholdap ako at nakuha ang lahat ng pera.

"Puwede ka na palang artista," sabi ni Sancho nang pumasok ako sa kuwarto. Nakangisi siya.

"E di masaya ka na? Pasalamat ka sa akin at naisip kong patawagan ang asawa mo..." sabing may laman ang ibig sabihin.

"Hindi pa rin ako masaya ano?"

"Bakit?"

"Akala mo ba nalimutan ko na ang bag kong nawala?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Wala. Basta mayroon akong kutob na hindi iyon nawala kundi may kumuha."

Napatingin nang may kahulugan sa akin si Sancho.

Tinupad naman ni Ramon ang sinabing magpapadala ng pera. Nabawasan ang isipin ko.

At alam agad ni Sancho na dumating na ang pera ko. Para bang buwaya na nakaabang sa malalamon.

"Casino tayo mamaya, Nena..."

Nagdahilan ako.

"Masakit ang ulo ko, Sancho."

"Ako na lang. Pahingi ng pera," sabing nakalahad ang kanang kamay.

Kung humingi ay parang may ipinatago siya. Parang hari kung humingi.

(Itutuloy)

Show comments