HINDI ako makapaniwala. Kaya pala ganoon ka-tense si Carlo nang umuwi kinahatinggabihan. Siguro ay may sumusubaybay na. Ayon sa balita sa TV ay nang-onse sa binentang shabu. At kinabukasan ay muling nagpaalam sa akin. Iyon na pala ang huli naming pagkikita.
Umiyak ako. Matagal din kaming naging magsiyota. Dahil sa kanya kaya ko nagawang iwanan si Fil. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi na sana ako nagpatangay sa tukso.
Nalaman ko na bukod sa pagiging tulak, isa ring user si Carlo. Kaya pala ganoon ang mga kinikilos niya. Kakatwa.
"Anong kakatwa?" tanong ni Inay.
"Balak niyang patayin si Fil at pagkatapos ay pagnakawan daw namin. Mabuti na lamang at napigilan ko."
"Akala ko e mabait ang Carlong yon. Umiyak pa rito nang malamang sumama ka na kay Fil noon."
"Siguroy dahil sa kakaunti ang kita sa pinagtatrabahuhan kaya nakaisip magtulak," sabi ko.
"Hindi katwiran yon. Maraming pagkakakitaan nang marangal bakit siya magtutulak ng shabu?"
"Naaawa ako sa kanya Inay. Siguro nagbago ng linya mula nang iwan ko. Nagulo ang mundo."
Ang mga magulang ni Carlo ang lumutang at kinuha ang bangkay sa punerarya. Pinuntahan ko nang nakaburol na. Iyak nang iyak ang ina na halos kasing-edad din ni Inay.
Hindi ko naiwasang umiyak nang ilibing si Carlo.
(Itutuloy)