HABANG pinagsisilbihan ko si Fil ay tukso namang naaalala ko ang mga ginawa sa akin ni Carlo kanina sa loob ng banyo. Ang mga pagkukulang ni Fil sa aking sariwang katawan ay pinuno ni Carlo. Hindi lang pinuno kundi pinaapaw pa nang sobra-sobra. Halos mabaliw ako sa pagkaapaw ang ligaya.
Dahil sa alaalang iyon kaya hindi ko maiwasang mapangiti habang isinubo kay Fil ang gamot. Natulala ako nang tanungin ni Fil kung bakit napangiti. Nakita pala niya ang pagngiti ko.
"M-masaya k-ka, N-nena?"
Hindi agad ako nakasagot.
"M-mabuti n-naman a-at m-masaya k-ka k-kahit p-pahirap a-ako..."
"Talaga namang lagi akong masaya..."
"A-alam k-ko n-nahihirapan k-ka n-na...da-dahil s-sa m-mga a-anak ko..."
"Hindi."
"H-huwag k-ka n-nang magkaila..."
Hindi na ako nagsalita pa. Hahaba lamang at wala namang kahihinatnan. Tama naman siya, talagang nahihirapan ako mula nang awayin ng mga anak niya lalo si Jen na pinagbintangan akong may karelasyong lalaki. Ngayon ay nagkatotoo na nga ang bintang. Iyon ang sinabi niya at nangyari.
Alam kong tutuparin ni Carlo ang sinabi na babalik siya sa condo. At bakit ko ba pahihirapan ang sarili ko? Gusto ko rin.
Hinintay ko siya kinabukasan ng umaga. Pero walang dumating. Naghintay ako ng tanghali. Wala. Hapon. Wala rin.
Nang kumagat ang dilim saka ako nakarinig nang mahihinang katok sa pinto. Para akong lumipad patungo roon. Sinilip muna kung siya nga. Si Carlo nga. Binuksan ko.
"May dala akong pagkain para sa iyo..."
"Pansit. Yung paborito mo..."
Iyon nga ang paborito ko. Pansit ang kinakain namin noon kapag nagde-date kami. Iyon ang kaya ng kanyang bulsa.
"Tulog na ba?"
Si Fil ang tinatanong niya.
"Hindi pa."
"Anong oras?"
"Mga alas-otso."
"Ang tagal."
Noon ay alas-sais pa lamang.
"Maghintay ka. Patutulugin ko muna."
Umakma akong hahakbang patungo sa kuwarto. Niyakap ako ni Carlo at siniil ng halik sa labi. Ang kanang kamay ay isinapo sa aking mga suso.
"Carlo naman."
Binitawan ako. Nagtungo na ako sa silid para patulugin si Fil.
(Itutuloy)