KAKAIN lang daw naman. At saka biyudo pala si Mr. Reyes. O baka naman sinabi lang na biyudo siya para mapapayag ako na sumama sa kanya. Paano kung may asawa at habang kuma-kain kami ay may lumapit na babae at umbagin ako. Delikado ako kapag nagkaganoon. Kahiya-hiya. Pag-uusapan na pumatol ako sa DOM.
"Sandali lang naman tayo, Nena. Kakain lang at tapos na. Uwi na tayo," sabi muli ni Sir.
Napabuntunghininga ako.
"Ang lalim niyan a. Ibig sabihin niyan payag ka na ano?"
"Sige na nga," sabi ko. Para matapos na ang pangungulit ng matandang ito.
"Anong oras, Sir?"
Parang hindi makapaniwala si Sir sa tanong ko.
"Six."
"Saan ba tayo kakain, Sir?"
"Sa restaurant sa loob ng QC Circle. Alam mo yon?"
"Hindi."
"Masarap ang pagkain doon."
Sa Quezon City pa kami pupunta para kumain. Bat kaya hindi na lang dito sa Makati?
"Sir bat sa QC pa e marami naman diyan sa Pa-say Road?"
"Mas maganda roon. Tahimik."
"Sige na nga."
Nakita ko ang kislap sa mga mata ni Mr. Reyes.
Pero may problemang sumulpot. Hindi ko agad naisip na may usapan kami ng boyfriend kong si Carlo na magkikita sa Quiapo ng hapong iyon. Birthday niya. Kakain daw kami sa Shakeys.
"O bat natahimik ka diyan?" tanong ni Sir.
"Wala sir. Me naaalala lang ako,"
"Mamaya ha. Dadaaanan kita doon sa may gate. Doon ka maghintay."
"Baka may makakita na empleado Sir?"
"O ano naman?"
"Baka isipin e mag-ano na tayo"
"Huwag mong isipin yon "
(Itutuloy)