Mga mata sa butas (107)

"HULI ka!"

Hinila ako ni Pacita. Bahagyang nagliliwanag na ang paningin ko. Naaaninag ko na ang kama. Hinila ako ni Pacita patungo roon.

"Kala ko ba nahihiya ka kay Lucia?" tanong ko.

"Kanina yon. Ngayon hindi na."

"Talagang mahal mo ako?"

"Hindi kita hahatakin dito sa kama kung hindi kita mahal."

Hinalikan ako ni Pacita sa labi. Matagal. Mainit. Matamis na parang ice cream na kinain namin kanina.

"Para magmadali ka sa pagbalik galing sa Saudi…" sabi nang maghiwalay ang mga labi.

"Baka hindi na ako abutin ng tatlong buwan doon…"

"Talagang hindi na dahil masisira ang ulo mo sa gagawin ko…" sabi at saka tumawa si Pacita. Masayang-masaya.

"Puro ka salita."

"Aba at hinahamon ako…"

Itinihaya ako ni Pacita at saka sinakyan sa tiyan. Hindi ako makakilos sa ginawa niya. Nakikiliti ako sa ginagawa niya. Sa labas, naririnig ko ang ingay.

"Bukas pa ang pinto, Pacita."

Mabilis na umalis si Pacita sa pagkakasakay sa tiyan ko at isinara ang pinto. Nang bumalik ay unti-unti nang hinuhubad ang damit. Aninag na aninag ko na ang kabuuan ng mahal ko.

(Itutuloy)

Show comments