Mga mata sa butas (85)

NAKANGISI kay Pacita si Rasheed at dalawang kasama nito. Ang isa ay parang hinahalukay ang loob ng katawan niya. Halos kasing-edad din ni Rasheed ang dalawa – 17 anyos. Sa tingin ni Pacita ay nakadroga ang tatlo. Kaya hindi na niya narinig ang ingay ng mga ito kanina sa kuwarto ay lumabas pala. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa ng kapatid na babae ni Rasheed. Alam niya na may boyfriend ang kapatid ni Rasheed at nakikita niyang pumapasok ang lalaki sa kuwarto nito.

Ngayon sa pagkakatitig sa kanya ni Rasheed at dalawang kasamahan, masama ang kutob niya. Malakas ang kutob niyang may mangyayari. Nakaparada sa harap ng gate mismo ang kotse na marahil ay pag-aari ng isa sa barkada ni Rasheed. Bago ang kotse. Kulay itim.

"Keif halek, Pacita?" tanong ni Rasheed.

Hindi siya sumagot. Nakita niyang nilingon ni Rasheed ang dalawang barkada. Nagtawanan pagkatapos. May ibinulong pa si Rasheed. Tila ba ikinukuwento ang pamboboso sa kanya. Idine-describe ang kanyang malusog na suso na ilang beses nang nakita.

"Mabsot Pacita?"

Hindi siya sumagot.

Hahakbang na siya papasok muli sa loob ng bakuran nang sunggaban siya sa kamay ni Rasheed.

"Aray!" sabi niya.

Nagtawanan ang dalawang barkada,

Pagkatapos hawakan sa kamay ay niyakap siya ni Rasheed. Nagpilit siyang makawala sa pagkakayakap ni Rasheed pero hindi niya kaya.

Nakita niya na binuksan ng isang barkada ang pinto ng kotse sa hulihan. Ang isa sa barkada ay nasa manibela na.

Kinaladkad siya ni Rasheed. Ipinasok sa kotse. Mabilis na isinakay sa kotse. Saan siya dadalhin ng mga ito?

Nagpipiglas si Pacita subalit napakalakas ni Rasheed. Hanggang sa maramdaman niyang hinihipuan na siya ni Rasheed. Iniangat ang laylayan ng abaya niya. (Itutuloy)

Show comments