"SASABIHIN ko sa nanay mo nawalan ako ng P500 sa bulsa at ikaw lamang ang naglaba ng pantalon ko."
"Walanghiya ka!"
"Tiyak na bugbog ka na naman sa ina mo."
"Putang ina ka Benjo!"
"Ano, isusumbong mo pa ako na sinisilipan kita?"
Hindi raw siya sumagot. Wala siyang mapagpipilian sa pagkakataong iyon. Ang P500 ang pinam-blackmail sa kanya. Kahit na paulit-ulit niyang sabihin sa ina na hindi naman totoo ang sinasabi ni Benjo, paniwalaan kaya siya ng ina. Hindi. Sigurado siya na ang Benjong ito ang kakampihan ng kanyang ina. Kailan ba siya kinampihan ng ina? Wala siyang natandaan.
"Ano isusumbong mo pa ako?"
Umalis siya sa harap ni Benjo. Nagtungo siya sa kanyang silid at nagbihis. Pagkaraan ay lumabas at inihanda ang kaldero para magsaing. Napansin niyang nakahilata si Benjo sa sopa. Nakatitig sa kisame at parang malalim ang iniisip. Iniisip marahil ang tungkol sa P500 na pinam-blackmail. Walanghiya talaga ang Benjong ito.
Hindi na niya isinumbong si Benjo para hindi na lumaki ang isyu. Ang ginagawa na lamang niya kapag naliligo ay inihaharang ang tuwalya sa mga butas sa dingding ng banyo. Alam niya, sinisilipan na naman siya ni Benjo. May naririnig na naman siyang langitngit ng tinatapakang upuan. Tiyak niyang gigil na gigil na ang manyakis sa kahayukan sa kanyang murang katawan. Hindi na siya nag-aalis ng panty kapag naliligo. Hinahayaan na lang niya sa katawan para walang makita ang manyakis na si Benjo. Sa kuwarto niya huhubarin ang panty.
Hindi na rin niya ito kinumpronta nang mahuli muli niyang naninilip. Hinayaan na lang niya.
"Pacita, galit ka pa ba?" tanong sa kanya minsan.
"Sinong matutuwa sa ginagawa mo?"
"Peace na!"
"Pispisin mo ang mukha mo."
"Ang taray! Kundi ka lang maganda at malaki ang suso "
"Walanghiya!"
"Etong P1,000, bili ka ng gusto mo," sabi ni Benjo na ang mga mata ay nang-aakit.
Malutong ang P1,000 na ipinakita ni Benjo. (Itutuloy)