Mga mata sa butas (Ika-56 labas)



(Kasaysayan ni Pepe ng Riyadh, KSA)


"ISUSUMBONG kita kay Inay!" sabi raw ni Pacita kay Benjo makaraang mahuling sinisilipan siya. Nagkukumahog sa pagsusuot ng shorts si Benjo. Naka-brief lamang ito kanina habang sinisilipan siya.

"Huwag naman, Pacita. Hindi na mauulit. Huwag ka nang magsumbong…" sabi ni Benjo.

"Ba’t mo ako sinisilipan?"

"E kasi’y masyado kang maganda…"

"Manyak ka!"

"Patawarin mo na ako Pacita. Huwag ka nang magsusumbong sa inay mo at tiyak na papatayin ako niyon…"

"Dapat nga sa iyo patayin na!"

"Huwag namang ganyan. Wala namang nawala sa’yo e…"

"Kahit na walang nawala sa akin, winalanghiya mo pa rin ako. Isusumbong kita kay Inay!"

"Huwag!"

"Sasabihin ko rin na pinaghihilod mo ako habang nakahubad ka."

"Huwag! Pakiusap naman. Magkaibigan tayo di ba?"

"Hindi tayo magkaibigan hayop ka!"

"Binibigyan nga kita ng pera di ba?"

"Ano ngayon kung binibigyan mo ako ng pera?"

Hindi nakasagot si Benjo. Tila naipit.

"Binibigyan mo ako, kasi para hindi ako makapagreklamo. Kahit silipan mo ako di ba? Akala mo hindi ako papalag…"

"Please naman Pacita. Parang awa mo na…"

"Hindi mo ako mapipigil. Isusumbong talaga kita."

Nakita niyang namula ang mga mata ni Benjo. Galit na.

"Ang hirap mo namang kausapin. Nagmamakaawa na nga ako sa’yo e."

"Ikaw pa ang galit," sabi naman ni Pacita.

"Sige isumbong mo ako sa nanay mo at isusumbong din kita," galit ang boses ni Benjo.

"Anong isusumbong mo?"

"Ninakaw mo sa bulsa ko ang P500."

Gimbal si Pacita.

(Itutuloy)

Show comments