INILILIGAW ako ni Mama kay Ninang Joy. Walang kaalam-alam ang akng mahal na ina na matagal na kaming nagsasama ng kanyang paboritong maging manugang. Kung anu-anong pagbuild-up ang ginawa sa akin. Nakikinig lamang daw si Ninang habang inililigaw ako ni Mama sa kanya.
"Mabait si Eric," sabi raw ni Mama kay Ninang. "Masunurin pa at malambing."
"Talaga po, Nanay Caring?" tanong naman daw niya.
"Oo. Kaya kung naghahanap ka rin lang ng bagong iibigin, ang anak ko na ang piliin mo."
"Naku hindi pa po ako naghahanap Nanay Caring," sagot naman daw niya. Pang-Famas daw ang arte niya.
"Aba, e sayang naman ang ganda mo at bata ka pa naman," sabi raw ni Mama.
"Parang ayaw ko munang umibig Nanay Caring."
"Sinasayang mo ang panahon Joy."
"Natatakot kasi ako Nanay. Alam nyo naman ang naranasan ko," sabi ni Ninang Joy.
"Dapat kalimutan mo na ang dinanas na hirap sa kamay ng walanghiya mong asawa."
"Ganoon ang ginagawa ko Nanay. Kaya lamang hindi ko maiwasang di-isipin. Masakit kasi ang nangyari sa akin."
"Alam ko naman ang nangyari. Naaawa nga ako sayo,"
"Hayaan mo Nanay Caring at kapag iibig ako si Eric ang pipiliin ko."
"Hindi ka magsisisi sa anak ko Joy."
"Ligawan naman kaya niya ako Nanay?"
"Akong bahala."
Nang matapos ang kanilang pag-uusap ay gustong maglulundag ni Ninang Joy sa tuwa. Paanoy hindi na kami mahihirapang magsabi kay Mama. Si Mama na ang kusang gumawa ng paraan. (Itutuloy)