"NATATANDAAN mo nang una tayong magkita rito sa Batha?" tanong sa akin ni Ninang Joy nang patungo na kami sa Quiapo Shopping Center na nasa silong ng Batha Hotel.
"Oo naman," sagot ko.
"Sige nga, ano yon kung natatandaan mo?" tanong niya na nakataas ang kilay.
"Bibili ako ng brief noon."
Napahagikgik si Ninang.
"Puro butas na kasi ang brief ko noon."
"Kasi, iisa lang naman yata ang brief mo."
"Hindi a."
"E bakit may mga butas na ang isinusuot mo?" tanong pa rin ni Ninang.
"Masyado kasing malaki "
"Alin ang malaki?"
"Si Birdie?"
Napahagikgik si Ninang. Sinapo pa ang tiyan sa pagtawa.
"Kabisado mo na si Birdie di ba?"
Lalong humagikgik si Ninang.
"Baka ka kabagan diyan."
"Kasiy masyado kang bastos."
"Ano kayang bastos dun?"
"Yung dati mong siyota ganito rin ba kayo kasaya nun?"
"Oo. Ganito rin kami kung magbiruan."
"Sayang at madali siyang nawala."
"Natanggap ko na yon. Siguro talagang hanggang doon na lang siya. At saka siguroy nangyari iyon para naman isilang ang isa pang pag-ibig."
"Wow ang talinghaga naman nyan," sabi ni Ninang.
"Kung hindi namatay si Jamie, sa palagay mo ba, tayo ngayon?"
"Ewan ko."
"Malamang hindi. Kasiy marami rin kaming pangarap nun. Pero ngayon, wala na ang mga iyon. Tayo na ang magbubuo ng pangarap ngayon."
Palihim na hinawakan ni Ninang ang palad ko. Pinisil.
Nakarating kami sa Quiapo Shopping Center. Agad akong ibinili ng sapatos at saka brief.
"Hindi na siguro mabubutas ito kasi iba na ang binubutas ni Birdie," sabi ko at bigla akong tinampal ni Ninang sa balikat. (Itutuloy)